16-anyos na brutal na pinatay sa Cebu, posible umanong hindi nagahasa

16-anyos na brutal na pinatay sa Cebu, posible umanong hindi nagahasa

-Posible raw na hindi nagahasa ang 16-anyos na si Christine Lee Silawan kahit pa wala ng saplot pang-ibaba nang matagpuan ang bangkay nito

-Ayon kay Police Colonel Limuel Obon, wala umanong nakitang "recent injury" sa private part ng dalaga

-Ngunit ayon naman kay Dr. Benjamin Lara, kumuha sila ng specimen sa katawan ng dalaga upang madetermina kung nagahasa ang biktima

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kahit hubad at wala nang saplot pang-ibaba ang bangkay ni Christine Lee Silawan nang matagpuan ito noong Lunes ng umaga, posible umanong 'di ito nagahasa.

Ayon sa report ng Cebu Daily News, sinabi ni Police Colonel Limuel Obon director ng Lalpu-Lapu City Police Office (LLCPO), wala raw nakitang "recent injury" sa pribadong parte ng katawan ng dalaga.

16-anyos na brutal na pinatay sa Cebu, posible umanong hindi nagahasa

Photo source: Cebu Daily News
Source: Facebook

PAY ATTENTION: 15 Traits That Meghan Markle Has In Common With Princess Diana

Ito ang lumabas sa autopsy na isinagawa sa katawan ni Silawan ng Philippine Nation Police Crime Laboratory na ipinadala kay Obon.

“There is a presence of deep healed laceration at 7 o’clock. Deep healed, [...] It happened some time ago and there is a shallow healed laceration [but] it is already a healed laceration at 4 o’clock position,” ani Obon.

Taliwas ito sa unang naibalita na ginahasa ang dalaga matapos itong pagsasaksakin sa leeg ayon sa pahayag ng isang lumutang na saksi na naibalita ng KAMI.

Samantala, ayon naman kay Dr. Benjamin Lara ng Philippine National Police-Crime Laboratory sa Central Visayas na siyang nagsagawa ng autopsy, kumuha pa sila ng specimen upang madetermina kung nagahasa si Silawan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagtamo ng isang saksak sa leeg, 20 sa katawan at 9 na posibleng defense wounds.

Ang ikinamatay ng dalaga ay multiple stab wounds.

Sa isang ulat ng Sun Star Cebu, inalis na rin ni Lara ang balitang asido ang ginamit para mabalatan ang mukha nito.

Dahil kung magkaganoon man, dapat at nasira rin daw ang eyelids at ayeball ng dalaga ngunit nanatili itong intact.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate picks

Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate bets

Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate picks
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel