4 na binatilyo, nasagip ang 15 anyos sa lalaking nagpanggap na ama nito

4 na binatilyo, nasagip ang 15 anyos sa lalaking nagpanggap na ama nito

- Na-rescue ng apat na binatilyo ang isang dalagita na tinangkang pagsamantalahan ng lalaking nagpanggap na ama nito

- Tamang hinala lamang ang apat na binatilyo nagsi-skateboard nang dumaan ang lalaking nagpakilalang ama ng babaeng hawak nito na hilong hilo

- Nadakip ng awtoridad ang lalaki sa tulong na rin ng apat na binatilyong nagduda lamang sa nangyayari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinilala ang apat na binatilyo sa Canada sa di inaasahang pagsagip nila sa isang 15 anyos na dalagita sa kamay ng lalaking nagpanggap lamang na ama niya.

Ayon sa zeppfeed.com, Ang apat na Canadian na binatilyong sina Arnaud Nimenya, Carsyn Wright, James Hielema and Starlyn Rives-Perez ay nagsi-skateboard sa parking lot ng isang mall nang mapansin nila ang kakaibang kinilos ng babaeng hatak ng isang lalaki.

Ang nakadagdag pa sa kanilang atensyon ay ang pagsigaw ng babae kaya inusisa na ng apat ang nangyayari.

Sinabi ng lalaking may dala sa dalagita na siya raw ang ama nito kaya naman hinayaan na lang ito ng apat.

PAY ATTENTION: 15 Signs That Show Your Love Will Withstand Anything

Tila diskumpiyado ang mga binatilyo sa nangyayari kaya naman sinundan pa rin nila ang "mag-ama."

Nadatnan na nilang minomolestiya na ng lalaki ang dalagitang hilong-hilo at wala nang laban.

Tama nga ang hinala ng mga binatilyo kaya naman agad silang gumawa ng paraan upang mailigtas ang 15 anyos na di pala anak ng suspek.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nanlaban pa raw ang lalaki sa pag-aakalang kaya niya ang apat. Ngunit pinalibutan na ito ng tatlong binatilyo habang ang isa ay sinamahan ang biktima.

Saktong dumating ang mga pulis na agad rumesponde sa pangyayari at nadakip ang suspek.

Dahil dito, labis na hinagaan ang ginawang kabayanihan sa pagtulong ng mga lalaking ito. Ang iba kasi kung may ganitong sitwasyon ay hahayaan na lamang at di na makikialam.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pag-nominate ni Fumiya sa kanyang sarili para iligtas si Yamyam

PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pag-nominate ni Fumiya sa kanyang sarili para iligtas si Yamyam

PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pagligtas ni Fumiya kay Yamyam
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel