2 "high profile" na artista, customer umano ng napatay na big time drug dealer

2 "high profile" na artista, customer umano ng napatay na big time drug dealer

-Dalawang artista ang kasalukuyang iniimbestigahan ngayon ng PDEA dahil sa pagkakaroon ng koneksyon ng mga ito sa isang big time na drug dealer

-Nakita kasi ang dalawang "high profile" na artista na nakikipag-transaksyon sa pamamagitan ng text messages na nakita mismo sa cellphone ng napatay na drug dealer

-Ayon pa sa PDEA, madalas na makikita ang mga celebrity na ito sa national TV

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dalawang celebrity ang iniimbestigahan ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pagkakaroon umano ng mga ito ng koneksyon sa napaslang na big time drug dealer.

Ayon sa ulat ng Inquirer, nakita umano ni PDEA Special Enforcement Services (SES) Acting Director Levi Ortiz ang pangalan ng mga ito sa mismong cellphone ng napatay na si Steven Pasion.

PAY ATTENTION: 15 Memorable Photos From The Amazing Baby Shower Of Meghan Markle

Si Steven Pasion ang umano'y top distributor ng mga party drug at ipinagbabawal na gamot sa Metro Manila. Napatay ito noong nakaraang Lunes sa isinagawang buy bust operation.

“Yong clients niya high-profile, mga young professionals, mga students, and also celebrities. Take note, may dalawang celebrity tayo na nakunan natin sa text communication nila sa suspect, na nag-order ‘yong celebrity ng 200 pieces of XTC,” sabi ni Ortiz.

“Dalawa sila, high profile, saka palaging nag-aappear sa TV. Babae saka lalake,”

“Nakuha natin ‘yong cellphone niya (Pasion), at saka nabasa natin ‘yong mga communication.” dagdag nito.

Hindi pa pinangalanan ni Ortiz ang mga "high profile" na celebrity sapagkat iniimbestigahan pa ang mga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Posible rin kasi na ginagamit lamang ang pangalan ng mga ito bilang alyas ng mga kliyente ni Pasion.

“That is why we are conducting investigation on them para ma-determine natin kung totoo talaga na sila ba talaga ‘yon... We will be conducting case build-up on them, kung talagang makakakuha ng solid evidence, we will conduct operations against them,”

“Subject to further investigation. Kasi kung gumagamit siya, kung binibigyan niya ‘yong iba, distribution pa rin ‘yon. Non-bailable pa rin ‘yon,” paliwanag ni Ortiz.

Ayon rin sa ulat, naaresto ang live-in partner ni Pasion na si Irene Mercado. Nakuha rin sa tahanan ng mga ito ang 1 kilo ng ipinagbabawal na gamot at 60 milliliters ng liquid XTC na aabot ang halaga sa P6.075 million.

Sabi ni Ortiz posibleng natimbre pa sa suspek ang pagsunod sa kanya ng mga pulis at maaaring nailipat na sa ibang lugar ang ibang stocks ng mga ipinagbabawal na gamot.

2 "high profile" na artista, customer umano ng napatay na big time drug dealer

Photo source: Screen grabbed from GMA News
Source: Facebook

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aquino-Falcis Controversy: Brother Speaks Up! Atty. Jesus Falcis, brother of Nicko Falcis, discloses how the controversy involving Kris Aquino and Nicko, her former project manager, has affected the life of his family. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate bets

Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate picks

Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate picks
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel