Fishball vendor sa Mandaluyong, pinamigay ang mga paninda sa kapwa niya nasunugan

Fishball vendor sa Mandaluyong, pinamigay ang mga paninda sa kapwa niya nasunugan

- Kahit nasunugan, naisip pa ring mamahagi ng fishball vendor sa kanyang mga kapitbahay

- Alam daw niyang pare-pareho na silang mga gutom kaya naman naisipan niyang ipakain na lamang ang kanyang naisalbang panindang fish balls

- Hinangaan ang ginawa na ito ng fishball vendor na nakilalang si Jose Zabala kaya naman may ilang nais magpabatid ng tulong sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na kahanga-hanga ang ginawa ng isang fishball vendor na nasunugan sa Mandaluyong.

Ayon sa Facebook post ng Sikat na Blager, naisip daw ng vendor na nakilalang si Jose Zabala na ipakain ang kanyang mga panindang fishball dahil alam niyang gutom na rin ang mga kapitbahay na kapwa rin niyang nasunugan.

Wala na raw natira sa paninda ni Mang Jose at pinakain na niya lahat ito sa mga pagod at gutom niyang mga kapitbahay.

PAY ATTENTION: Beyoncé, Taylor Swift, and Other Celebrities Who Have Crashed Normal People's Weddings

Kung tutuuusin, pwede naman niyang ibenta pa rin ang fishballs ngunit dahil alam niyang nasa oras sila ng kagipitan, binahagi na lamang niya ang mga ito.

Isa lamang ang kanyang karitong pang-hanapbuhay sa mga naisalba ng kanyang pamilya sa sunog.

Samantala, saludo ang mga netizens sa ginawa na ito ni Mang Jose dahil sa oras na iyon, naisip pa talaga nitong magmalasakit sa kanyang kapwa kahit siya mismo ay isa sa mga biktima.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ibaka talaga tito jose zabala nagawan upa mag pakain sa mga kasamahan mo kahit na isaka sa mga nasunugan saludo kami sau tito."
"Sana matulungan ang lahat ng nasunugan nangungupahan man o may ari,dapat pantay2x lang kasi pareho din silang nasunugan at hindi naisalba ang mga ari-arian kaya ngayon yong mga tumatakbo ngayon sa gobyerno ngayon kayo magpakita ng malasakit sa mga nasunugan dahil sila din ang maglalagay sa inyo sa gobyerno"
"Sana lahat mabuhay ka po tatay sana bigyan ka ni god ng blessing"
"Ayos kuya galing mo D'best ka"
"Meron kng npakalaking puso para sa yong kapwa"
"Isa ka sa pinakamabuting tao nasunogan kana nag pakain kapa..papay jose zabala...."
"Mabait po tlaga xa,ganon din asawa nia c te Marlyn"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Pagawaan ng mag-inang Intsik na tinatawag umanong 'pataygutom' mga empleyado, ininspeksyon na

Pagawaan ng mag-inang Intsik na tinatawag umanong 'pataygutom' mga empleyado, ininspeksyon na

Paktorya ng mag-inang Intsik na tinatawag umanong 'pataygutom' mga trabahador, ininspeksyon na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel