Gabby Concepcion, inirereklamo at kinasuhan umano ng sariling kapatid

Gabby Concepcion, inirereklamo at kinasuhan umano ng sariling kapatid

- Kinasuhan umano si Gabby Concepcion ng kaniyang nakababatang kapatid dahil sa alegasyon ng "fraudulent sale"

- Ayon daw kay Miguel Concepcion, ibinenta raw ng Kapuso aktor ang "890-sqm lot" na pagmamay-ari ng kanilang ina

- Hindi raw tumugon si Gabby sa kapatid kaya raw humantong sa ganito ang pangyayari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napag-alaman ng KAMI na inirereklamo at kinasuhan umano ang Kapuso actor na si Gabby Concepcion ng sariling kapatid na si Miguel Concepcion.

Ang huli ay ang younger brother daw ni Gabby.

Ayon pa sa balita na naispatan namin sa Manila Bulletin, humaharap daw sa kasong "falsification of public documents" si Gabriel Arellano Concepcion o mas kilala sa showbiz bilang si Gabby Concepcion.

Ito raw ay dahil sa alegasyon ng"fraudulent sale" ng 890-sqm na lupa sa San Juan City na pagmamay-ari raw ng kanilang ina na si Mrs. Maria Lourdes Concepcion Arellano.

Saad pa umano ng abogado ni Miguel na si Tryone Cimafranca, hindi raw maibebenta ang naturang lupa sa halagang 4.45 million dahil nasa labas ng bansa raw ang ina nila nang ito ay na-notarized.

Bahagi pa raw ng abogado sa mga reporters:

“Their mother was in the United States and could not have signed the documents nor appeared infront of the notary public as stated in the acknowledgement page submitted to the Land Registration Authority (LRA)."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isinumite raw ng abogado ang mga kopya ng passport ni Mrs. Concepcion, na nagpapakita sa kanyang pag-alis sa Pilipinas at pagdating sa bansang Amerika sa 'Criminal Investigation and Detective Group—National Capital Region (CIDG-NCR).

Ang notarization daw ay nangyari sa Tagaytay City at ang nag-notarized umano ng dokumento ay hindi raw nakalista sa "registry of attorney's" sa Integrated Bar of the Philippines (IBP), ayon sa bahagi raw ng punto ng abogado.

Sabi naman daw ni Miguel Concepcion:

“I kept asking him for a meeting to clear things up but he ignored all my request.”
“So I’m resorting into this action to correct what is wrong."

Sinubukan daw ng media na kunin ang pahayag ni Gabby Concepcion tungkol dito pero hindi raw tumutugon ito.

PAY ATTENTION: Celebrities Who Won't Do Nude Scenes

Si Gabby Concepcion ay ang unang mister ni Megastar Sharon Cuneta at ang ama ni KC Concepcion.

Ngayon ay makikita si Gabby sa Kapuso network at bibida kasama si Jennylyn Mercado sa bagong show ng GMA-7.

POPULAR: Read more news about Gabby Concepcion here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

As we celebrate International Women’s Day, our team went out to the streets to give flowers to all beautiful, strong women.

Get more exciting, fun, insightful, and inspiring videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, di hinarap si mister nang kunin niya ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel