Witness, 3 lalaki ang nakitang gumahasa at sumaksak sa leeg ng 16-anyos sa Cebu

Witness, 3 lalaki ang nakitang gumahasa at sumaksak sa leeg ng 16-anyos sa Cebu

-Ayon sa witness na si alyas "Donna", tatlong lalaki ang nakita niyang humahabol sa biktimang si Christine Silawan

-Kasalukuyan nang mayroong mga suspek na iniimbestigahan ang mga awtoridad

-Nangako naman ng tulong ang alkalde ng bayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tatlong lalaki na sakay ng isang itim na motorsiklo ang sinasabing gumahasa at brutal na pumatay sa 16-anyos na si Christine Lee Silawan sa Cebu.

Ayon sa witness na si alyas "Donna", pauwi na siya sa kanilang bahay bandang 2:00 ng madaling araw nang makita niyang hinahabol si Silawan ng tatlong lalaki.

Isa sa mga ito ang humila sa sling bag ng biktima hanggang sa matumba ang dalaga.

PAY ATTENTION: 15 Signs That Show Your Love Will Withstand Anything

Nagtago umano ang witness at nakitang tinakpan ng isang lalaki ang bibig ni Silawan habang ang isa naman ay walang habas na pinagsasaksak ang leeg nito.

Pagkatapos ay ibinaba raw ng mga ito ang saplot pang-ibaba ng dalaga tsaka ito ginahasa.

Samantala, ayon naman sa isang report ng Cebu Daily News, asido ang ginamit para mabalatan ang mukha ng dalaga hanggang sa makita ang bungo nito ayon sa autopsy.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang ina naman ng biktima na si Lourdes, hindi matanggap at halos mahimatay nang makita ang bangkay ng kanyang anak.

Anito, ayaw niyang payagan ang anak noong una dahil mayroon namang simbahan sa kanilang barangay ngunit sinabi raw nitong para iyon sa grades nito sa eskwelahan.

Ang mayor naman ng Lapu-lapu City ay nangakong magbibigay ng tulong sa pamilya ng nasawing dalaga.

Linggo ng hapon nang huling makita si Christine bago pumunta sa Sacred Heart Parish sa Barangay Pajac kung saan ito nagsisilbi bilang mass collector.

Ngunit Lunes ng umaga, Marso 11, bangkay na nang matagpuan ito sa isang bakanteng lote sa Sitio Mahayahay, Barangay Bankal, na una nang naibalita ng KAMI.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel