Witness sa pagpatay at pagbalat sa mukha ng 16-anyos, lumutang! 3 adik, suspek

Witness sa pagpatay at pagbalat sa mukha ng 16-anyos, lumutang! 3 adik, suspek

-3 lalaki ang itinurong suspek ng isang witness na lumutang kaugnay sa pagpatay sa isang grade 9 sa Cebu

-Idinetalye ng witness kung ano ang naging kontribusyon ng bawat isa sa karumal-dumal na pagpatay sa 16-anyos

-Ayon sa huling nakasama ng biktima, pauwi na sila nang biglang nawala ang dalaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang witness ang lumutang sa karumal-dumal na pagpatay sa isang 16-anyos na dalaga sa Lapu-Lapu City sa Cebu na naibalita na ng KAMI, ayon kay Senior Superintendent Lemuel Obon.

Ayon sa witness, tatlong lalaki ang pumaslang sa biktima na si Christine Lee Silawan sa isang bakanteng lote sa Barangay Bangkal sa Lapu-Lapu City.

PAY ATTENTION: 12 Times Celebs Flaunted Their Mindblowing Wealth on Instagram

Ang isa umano sa mga ito ang may hawak sa biktima habang ang isa naman ang sumaksak dito. Ang ikatlong suspek naman ang siyang nagbalat sa mukha ng kawawang dalaga.

Sabi ni Obon ayon sa ulat ng Cebu Daily News, panggagahasa ang posibleng motibo sa krimen.

Ngunit walang sinuman ang nakarinig sa sigaw ng biktima ayon pa kay Obon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, sa CCTV na nakuha mula sa Sacred Heart Parish Church sa Barangay Pajac kung saan huling pumunta ang biktima, nakita itong kumakain ng balut kasama ang isang kasamahan bago ito nawala.

Sabi naman ng sekretarya ng simbahan na si Rosana Rondina, huli nilang nakita ang dalaga kasama ang isang altar boy pauwi.

Ayon sa altar boy, pauwi na raw sila nang magpunta muna siya sa CR at sinabihan pa raw ang dalaga na maghintay sa labas ng simbahan.

Pagbalik umano nito ay wala na ang dalaga.

Posibleng inisip ng altar boy na umuwi nang mag-isa ang dalaga ayon kay Rondina.

Witness sa pagpatay at pagbalat sa mukha ng 16-anyos, lumutang! 3 adik, suspek

Photo source: Cebu Daily News
Source: Facebook

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel