Mister na di na nabawi ang misis, nag-enjoy na lang sa shopping at pa-make-over ni Tulfo

Mister na di na nabawi ang misis, nag-enjoy na lang sa shopping at pa-make-over ni Tulfo

- Dumulog si Mr. Saludo sa programang Raffy Tulfo in Action upang i-reklamo ang asawa niyang niloko di umano siya

- Lumabas na di totoo ang mga akusasyon ng mister sa misis at di na niya muli itong napabalik pa sa kanilang bahay

- Tila in-enjoy na lamang ni Saludo ang shopping at make-over na pinagawa sa kanya ni Raffy Tulfo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang aburidong mister ang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo dahil umano sa kanyang misis na niloloko na siya.

Nalaman ng KAMI na ayon sa mister, may anak na raw sa iba ang misis dahil sa may ibang lalaki na ito.

Nang tanungin ni Tulfo ang misis na nakilalang si Joan Saludo, pinabulaanan niya ang akusasyon ng mister lalo pa at nagtatrabaho lamang daw siya ng maayos bilang kasambahay.

Maging ang amo ni Joan ay nagsabing wala itong ginagawang kalokohan. Kung meron man, matagal na raw niya itong napaalis ngunit dahil sa maayos sa trabaho at mapapagkatiwalaan Joan, naroon pa rin ito.

Pinagtibay pa ng amo ng babae na ang lalaki pa nga ang nanggugulo sa kanila lalo na sa kanyang misis.

PAY ATTENTION: Meet Top 20 Wealthiest Families Of The World

Dahil dito, minabuti pa rin ni Tulfo na pagkitain ang dalawa sa barangay upang magkaintindihan na kung ano na ba ang nais nilang mangyari sa buhay.

Pagkatapos ng programa, kinausap backstage ni Tulfo ang lalaki. Napansin niya ang buhok nito at pananamit kaya inalok niya ito na bilhan ng mga bagong kasuotan, magpaayos ng buhok sa salon at bibigyan pa umano ito ng bagong cellphone.

Ayon pa sa host ng programa, mainam na raw na maayos haharap si Mr. Saludo sa kanyang misis at baka sakaling mabago pa ang isip nito.

Tinupad nga ni Tulfo ang sinabi niyang shopping ng damit at make-over bago pa humarap ang lalaki sa kanyang misis sa barangay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa kasamaang palad, di na muling nakumbinsi pa ng mister si Joan na bumalik ito sa kanya at napagkasunduan nilang susustentuhan na lamang ang kanilang anak.

Matapos ang usapan sa barangay, pinaabot pa ng staff ng programa ang cellphone na pinangako rin ni Tulfo sa nagreklamong mister.

Kaya di naman daw naging "happy ending" ang relasyon nina Mr. at Mrs. Saludo, masaya naman ang lalaki sa mga biyayang binigay sa kanya ni "Idol" Raffy Tulfo.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Korean-look ng 1 Wowowin contestant at SK Kagawad, hinangaan at kinakiligan

Oppa! SK Kagawad sa Wowowin, pinakilig ang audience dahil sa kanyang looks

Oppa! SK Kagawad sa Wowowin, pinakilig ang audience dahil sa kanyang looks
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel