Dalawang grade 3 students, suspek sa pangunguha ng cellphone sa Maynila

Dalawang grade 3 students, suspek sa pangunguha ng cellphone sa Maynila

- Sapul sa CCTV ang pagbuntot ng dalawang batang lalaki sa mga dalagita sa Maynila

- Sinundan daw umano ng mga bata ang isang dalagita at kinunan nila ito ng cellphone sabay karipas ng takbo

- Ayon din sa mga batang ito, di ito ang unang pagkakataong nagawa nila ang pangunguha ng cellphone

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dalawang 11 anyos na mga batang lalaki ang lakas loob na nanguha ng cellphone sa isang Grade 7 student na kanilang sinundan.

Ayon sa GMA news, nasapul ng CCTV sa bgry 163, zone 14 district 2 sa Maynila ang pagbuntot ng dalawang batang lalaki sa tatlong dalagitang naka-uniporme.

Pilit na dumikit ang isa sa mga batang lalaki sa isang dalagita na target pala nilang kunan ng cellphone.

Sinundan pa umano ng dalawang grade 3 students ang dalagita at nang pumasok na ito sa eskinita, nakuha na ng mga bata ang cellphone nito sabay takbo.

Agad namang nadakip ang dalawang bata nang idinulog ng biktima ang nangyari sa barangay.

PAY ATTENTION: 12 Times Celebs Flaunted Their Mindblowing Wealth on Instagram

Hiyang hiya ang ina ng bata at di niya akalain na sa murang edad nito ay makagagawa na ito ng ganitong klaseng pagkakasala.

Ang lola naman ng isang bata ay di raw nagkulang sa paalala rito kaya laking gulat din niyang ganito na ang ginagawa ng apo.

Samantala, nang tanungin sa barangay ang dalawa, lumalabas na di ito ang unang pagkakataon na manguha sila ng cellphone.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nabawi naman cellphone at di na tuluuyan pang nagsampa ng reklamo ang biktima.

Sinabi naman ng kapitan ng barangay na mas lalo pa nilang paiigtingin ang seguridad sa lugar lalo pa at may mga eskinita rito kung saan nagaganap madalas ang mga ganitong insidente.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kasama si mommy Pauleen Luna

Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kasama si mommy Pauleen Luna

Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kahit stressed siya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel