Dating balut vendor at pedicab driver, coffee shop owner na sa Ireland

Dating balut vendor at pedicab driver, coffee shop owner na sa Ireland

- Dating pedicab sa umaga at balut vendor sa gabi si Jeffrey Velasco

- Dala ng pagsisikap at diskarte sa buhay, nagkaroon siya ng negosyo sa Pilipinas na Internet cafe, bilyaran at bar

- Ang mas matindi pa rito, nagkaroon siya ng sarili niyang coffee shop sa ibang bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

"Humble beginning" daw na maituturing ni Jeffrey Velasco ang pagiging pedicab driver at balut vendor niya noon.

“Yung humble beginning nagsimula ako sa pagiging pedicab driver sa Tondo. At the same time, sa gabi nagtitinda ako ng balut,” kwento ni Jeffrey sa panayam sa kanya ng ABS-CBN news.

Dahil na rin sa maliit na kita sa mga trabahong ito, pinasok niya ang pagiging electronics technician sa Taiwan at ilang taon din siyang nanatili roon.

Nang matapos ang kontrata niya sa Taiwan, nagbukas siya ng internet cafe, bilyaran at bar nang bumalik siya rito sa Pilipinas.

Taong 2006 nang muli na naman siyang magkaroon ng pagkakataong mangibang bansa sa tulong ng kanyang misis na nurse sa Ireland.

PAY ATTENTION: Pointers To A Healthy Relationship We All Should Know About

Doon naging barista sa umaga si Jeffrey at staff ng bed and breakfast naman sa gabi.

Malaki ang naitulong nito upang mapalawig ang kaalaman niya sa malaking pagkakaton na kanya pa lang susuungin kalaunan.

Nalaman ng KAMI na noong 2013, may nag-alok sa kanya na saluhin ang isang papalugi nang coffee shop sa Cork.

Sa tulong ng pag-uudyok sa kanya ng dating employer, kinuha niya ito at siya mismo ang gumawa ng mga simpleng renovations.

Pinangalanan niya itong Cuppacity Coffee & Bagels.

Matao ang lugar na Cork, at di nagpahuli ang coffee shop ni Jeffrey sa ibang kilala at malalaking coffee shop doon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mapa-bata o matanda, patok ang lugar ni Jeffrey para mag-enjoy ng kape at bagels.

“Look around, it’s colorful, friendly, staff are very friendly and the customers, I know most of them because I’m in here nearly every day, it’s like family,” ayon sa isang regular na customer

Ayon naman sa isa nilang loyal cusomer na si Ann Janssen, may “good atmosphere” daw ang lugar kaya niya ito binabalik-balikan.

“I enjoyed the food it’s very good, the staff are very friendly, and I get on great with Jeff and Beth,” dagdag pa ni Ann na halos apat na beses pumupunta sa Cuppacity sa isang linggo.

Dalawang taon matapos magbukas ang Cuppacity, nagbukas muli siya ng isa pang branch sa sentro ng lungsod ng Cork. Dito mas matindi ang kompetisyon ngunit di pa rin nagpahuli ang Cuppacity at matagumpay pa ring namamayagpag sa negosyo ang pangalawang branch.

Tatlong taon nang may Five Star Excellent Awardee status mula sa TripAdvisor ang naturang coffee shop.

Dahil dito nagbabalak muli si Jeffrey na magbukas ng pangatlong shop ngunit may iba nang pangalan.

Payo ni Jeffrey, “Ang maipapayo ko sa kanila is kung may pagkakataon, grab all the opportunity, kasi, hindi na ‘yan kakatok pa sa susunod."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking may sakit sa puso, umakyat pa rin ng entablado para sa kanyang graduation

Lalaking may sakit sa puso, umakyat pa rin ng entablado para sa kanyang graduation

Lalaking may sakit sa puso, umakyat pa rin ng entablado para sa kanyang pagtatapos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel