Pinoy family sa USA, kumikita ng ₱54 milyon habang nasa bahay lang

Pinoy family sa USA, kumikita ng ₱54 milyon habang nasa bahay lang

- Isang Filipino family na naka-base sa USA ang kumikita ng halos ₱54 milyon kahit nasa bahay lang

- Sila ang sikat na pamilya ngayon sa YouTube sa ilovemaything page kung saan marami na silang taga-subaybay

- Sa simpleng pagkuha lamang ng video ng kanilang ginagawa sa araw-araw, milyon-milyon na ang kanilang kinikita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang namangha sa pamilyang binubuo nina Mark, Rea, Hulyan, Maya at baby dahil sa kakaibang diskarte nila kung paano kumita ng malaking halaga ng pera.

Ayon sa ulat ng Today, huminto pa raw sa kanya-kanya nilang trabaho sina Mark at Rea upang pagtuunan na lamang ang kanilang family vlog na kilala sa YouTube na "ilovemaything."

Nagiging 'pay day' ang dapat na 'play day' lang sa kanilang mag-anak dahil habang nagba-bonding silang pamilya, kinukunan nila ito ng video at pag na-upload na ito sa YouTube, tiyak na kikita na naman sila.

PAY ATTENTION: Celebrities Who Won't Do Nude Scenes

Ganun lamang ka-simple ang konsepto ng kanilang maituturing na 'trabaho'. Camera lamang na pang-video ang kanilang puhunan.

Kwento pa ni Mark, minsan, pumapalo ng nasa ₱126,000 ang kanilang kinikita sa isang araw lamang depende sa reaksyon ng mga nanonood sa kanila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kahit ang simpleng pagbubukas kasi ng laruan ng kanilang mga anak ay kinagigiliwan ng kanilang subscribers kaya naman dumarami lalo ang followers nila sa YouTube.

Ang kagandahan nito, natuturuan rin nila ang kanilang mga anak na mamahagi, dahil pag alam nilang labis na ang mga laruan ng mga ito o kung naipalabas na sa kanilang channel, binabahagi na nila ito.

Isa lamang itong pruweba na likas ng madiskarte at malikhain ang mga Pinoy. Wala man sa sariling bansa, ngunit kahanga-hanga na gawin nilang maayos ang kanilang buhay siyempre sa marangal na paraan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Pagawaan ng mag-inang Intsik na tinatawag umanong 'pataygutom' mga empleyado, ininspeksyon na

Pagawaan ng mag-inang Intsik na tinatawag umanong 'pataygutom' mga empleyado, ininspeksyon na

Paktorya ng mag-inang Intsik na tinatawag umanong 'pataygutom' mga trabahador, ininspeksyon na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel