Guro, pilit pinatanggal ang Ash Wednesday cross sa noo ng kanyang estudyante

Guro, pilit pinatanggal ang Ash Wednesday cross sa noo ng kanyang estudyante

- Isang guro sa Utah Public School ang pilit pinatanggal ang krus na abo sa noo ng katoliko niyang estudyante

- Naglabas ng sama ng loob ang lola ng 9 na taong gulang na batang lalaki dahil sa kawalan ng respeto ng guro sa relihiyon ng pamilya ng bata

- Ang district director ng educational equality ng paaralan ay isa palang ordained Catholic deacon kaya nilagyan na lamang niya mulo ang bata ng abo sa noo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging kontrobersyal ang pagpapatanggal ng isang guro ng krus na abo sa noo ng kanyang estudyante sa Utah Public School noong Ash Wednesday.

Ayon sa CNN, pumasok ang bata sa paaralan ng mayroon nang krus sa noo dahil nakapagsimba ito kasama ang lola niya bago pumasok.

Kwento ng siyam na taong gulang na batang si William McLeod, iyak na lamang daw siya ng iyak nang puntong iyon sa pag-aakalang may nagawa siyang mali.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Gayundin ang lola nito na kinabahan sa pag-aakalang may nagawang di nagawa ang apo.

Sabi raw kasi ng guro, ito ay "inappropriate" kaya binigyan niya si William ng antiseptic wipe upang mabura ang krus sa noo nito.

Sa ginawang ito ng guro, labis na kinasama ito ng lola ni William na si Karen Fisher. Alam daw nila malaking populasyon ng mga mag-aaral sa paaralang iyon ay Mormon ngunit sana raw ay irespeto pa rin ang paniniwala ng ibang relihiyon gaya ng ginagawa ng mga katoliko ngayong nagsisimula na ang panahon ng Lent.

PAY ATTENTION: 15 Traits That Meghan Markle Has In Common With Princess Diana

Samantala, humingi ng tawad ang school district maging ang guro ay humingi na rin ng dispensa sa kanyang nagawa.

Bagaman at naibalik ang krus sa noon ni William dahil sa ang district director ng educational equality ng paaralan ay isa palang ordained Catholic deacon, tila di pa rin daw ito sapat sa nagawa ng guro ayon sa lola ng bata.

Ngunit, napatawad naman na raw ni William ang kanyang teacher dahil sa ayaw na niya itong pahabain pa lalo na at mahusay naman ang kanyang guro.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pag-nominate ni Fumiya sa kanyang sarili para iligtas si Yamyam

PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pag-nominate ni Fumiya sa kanyang sarili para iligtas si Yamyam

PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pagligtas ni Fumiya kay Yamyam
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel