Tricycle driver, patay matapos madamay sa karera ng mga motorsiklo

Tricycle driver, patay matapos madamay sa karera ng mga motorsiklo

-Naulila ang 7-anyos na bata matapos mamatay sa aksidente ang ama nito na nadamay sa karera ng mga motor

-Patay rin ang nangangarerang nakabunggo rito

-Patuloy na iniimbestigahan ng mga pulis kung ilegal na inorganisa ang karera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Patay ang isang tricycle driver sa Sultan Kudarat na kinilalang si Rodrigo Combatir Jr. matapos itong salpukin ng isa pang motorsiklo na nakikipag-karera!

Kinilala ang nakabunggo rito na si Pairudin Makong na namatay rin dahil sa tindi ng bungguan ng mga ito.

PAY ATTENTION: Celebrities Who Won't Do Nude Scenes

Ayon naman sa ulat ng ABS-CBN News, may video na lumabas mula sa isa sa mga nakisali sa karera ng motorcycle riders.

Dito kita ang walang habas na pagharurot ng mga motor na nag-e-exhibition pa.

Labis naman ang hinagpis ng kinakasama ng tricycle driver na si Jorrilyn Hermo. Naulila pa nito ang kanilang 7-anyos na anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Kahit hanggang ngayon hindi ko matanggap. Sana naman 'yung mga nakabangga tulungan naman kami na bigyan nang maayos na libing 'yung asawa ko," sabi nito ayon din sa ulat.

Ngunit giit ng mga pulis, wala silang makakasuhan dahil namatay rin ang rider na bumunggo kay Combatir.

Patuloy na iniimbestigahan kung ilegal na inorganisa ang karera.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Fact check: Did Imee Marcos graduate as a valedictorian from California school?

Fact check: Did Imee Marcos graduate as a valedictorian from California boarding school?

Fact check: Did Imee Marcos graduate as a valedictorian from California boarding school?
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel