17-anyos na candle bearer sa simbahan, minolestiya umano ng pari

17-anyos na candle bearer sa simbahan, minolestiya umano ng pari

-Isang candle bearer sa simbahan ang minolestiya umano ng pari sa Cebu

-Naghatid lamang umano ang 17-anyos na dalagita ng mga vitamins nang yayain siyang pumasok sa loob ng kwarto ng pari

-Kinumpirma ni Cebu Archbishop Jose Palma na mayroon ngang reklamo laban sa pari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinumpirma mismo ni Cebu Archbishop Jose Palma nitong Sabado, Marso 9 na mayroon ngang reklamo ng pangmomolestiya laban sa isang pari sa isang bayan sa Dumanjug.

Kwento ng 17-anyos na dalagita, nagdala lang umano siya ng mga vitamins sa pari noong Marso 3. Nang makapasok ay inaya raw siya ng pari na kumain at manood ng TV.

Kinalaunan, pinahiga umano ito ng pari sa tabi nito sa kama at tsaka hinalikan at niyakap.

PAY ATTENTION: 15 Rare But Remarkable Images Of The Royal Family

“Ayaw ana (Huwag mong gawin 'yan), Father,” sabi umano ng bata ayon na rin sa mga kwento nito sa mga pulis sabi ni PO3 Irish Buena, head ng Dumanjug Police Station’s Women and Children Protection Unit.

17-anyos na candle bearer sa simbahan, minolestiya umano ng pari

Photo source: Google Images / Photo for illustration only
Source: Getty Images

Ang biktima ay napag-alamang isang candle bearer sa simbahan at karaniwang natutulog sa rectory tuwing Sabado para makapaghanda sa misa tuwing Linggo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nitong Marso 8 nagsampa na ng kaso ang biktima laban sa akusadong pari.

Pursigido ang pamilya ng biktima na ituloy ang kaso laban sa pari na hindi pa pinapangalanan hanggang sa ngayon ayon sa ulat ng Sun Star Cebu.

Ang dalagita ay sumailalim na rin sa psychiatric and physical assessment na na-trauma sa insidente.

Napag-alaman rin na agad na pinalitan sa pwesto ang pari ayon na rin kay Archbishop Jose Palma.

Samantala, kamakailan lang, isa ring Pilipinong pari ang sinampahan ng kaso ng panggagahasa sa Philadelphia na una nang naibalita ng KAMI.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel