5 taong gulang na babae, natuklasan ang cancer dahil sa umuugang mga ipin

5 taong gulang na babae, natuklasan ang cancer dahil sa umuugang mga ipin

- Nagpapalinis lamang daw ng ipin ang limang taong gulang na bata nang mapansin ng dentista na marami itong umuugang mga ipin

- Ito raw ay isang sensyales ng Neuroblastoma cancer kaya naman agad na pina-x-ray ang bata

- Umabot sa isa't kalahating taon ang gamutan kay Hunter, dineklara na siyang cancer-free

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang limang taong gulang na bata mula Everett, Washington ang tinamaan ng Neuroblastoma cancer.

Ayon sa the Asian parent Philippines, 2017 nang magpalinis ng ipin ang batang si Hunter Jones nang mapansin ng dentista ang mga umuugang mga ipin nito.

Sa labis na pagkabahala, pina-x-ray agad ang bata at doon nakita na may namumuong tumor sa panga nito.

Nalaman ng KAMI na agad na dinala sa Seattle Children’s Hospital si Hunter. Dito nalaman na ang cancer ni Hunter at Stage IV na at may 40- 50% na lamang ng tsansa na maka-survive.

Bukod sa tumor sa panga, kinakitaan rin ito ng bukol sa may tiyan na kumakalat na patungo sa kanyang balakang.

PAY ATTENTION: The Amazing Cast Of Game Of Thrones In Then And Now (PHOTOS)

Labis na kinagulat ito ng ina ni Hunter lalo pa at masgilang bata ito. Walang anumang bahid daw ito na siya ay may dinaramdam sa ipin man o sa katawan.

Mahirap at masakit ang isinagawang gamutan ni Huntter. Dumaan siya sa dalawang operasyon, limang rounds ng chemotheraphy, 12 rounds ng radiation, dalawang stem cell transplants at anim na rounds ng immunotherapy.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tumagal ng isa't kalahating taon ang naging gamutan ni Hunter bago mai-deklara na siya ay cancer-free na.

Sumailalim pa rin sa ilang session ng neuroblastoma vaccine si Hunter, upang makasiguro na di na muling babalik pa ang kanyang cancer.

Malaki talaga ang pasasalamat ng pamilya ni Hunter kay Dr. Sussarla, na siyang nakadiskubre ng kanyang karamdaman, dahilan para mabigyan ito ng lunas.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking may sakit sa puso, umakyat pa rin ng entablado para sa kanyang graduation

Lalaking may sakit sa puso, umakyat pa rin ng entablado para sa kanyang pagtatapos

Lalaking may sakit sa puso, umakyat pa rin ng entablado para sa kanyang pagtatapos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel