Isang taong gulang na sanggol, patay di umano sa usok lamang ng sigarilyo

Isang taong gulang na sanggol, patay di umano sa usok lamang ng sigarilyo

- Nasawi ang isang taong gulang na sanggol na nagkaroon ng pneumonia

- Ang tinuturong dahilan di umano ay ang nalalanghap nitong usok ng sigarilyo

- Di na naagapan pa ang kalagayan ng sanggol na kahit na ito ay inoperahan pa sa baga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maagang binawian ng buhay ang isang sanggol dahil lamang daw umano sa usok ng sigarilyo.

Ayon sa Facebook page na ActionRaffy Tulfo news, pneumonia raw ang tinuturong dahilan ng pagkamatay ng isang taong gulang na sanggol na sanhi lamang daw ng nalalanghap nitong usok ng sigarilyo.

Hindi raw napapansin ng ina ng sanggol na si Indah na may mga naninigarilyo sa kanilang lugar.

Lalo pa noong nagkaroon ng pagtitipon sa bahay nila na marami ang naninigarilyo. Di namalayan ng ina na na labis na usok na raw ang nalalanghap ng anak sa halos magdamagang paninigarilyo ng kanilang mga bisita.

Nang mga panahong iyon, wala naman daw nakikitang sintomas na may karamdaman ang bata.

Dalawang araw pa raw ang lumipas nang magsimulang ubuhin si ang baby na nakilalang si Hafizh. Di raw agad ito napainom ng gamot ng kanyang ina sa pag-aakalang makakayanan pa ito ng pagpapainom ng tubig lamang.

Ngunit dahil sa matinding pag-ubo, nahirapan naring huminga si baby Hafizh.

Unang dinala ng mag-asawa ang anak sa isang midwife subalit mas lumala raw ang lagay ng baby roon.

PAY ATTENTION: 5 Signs That Show Your Love Will Withstand Anything

Nang dalhin sa ospital, doon pa lamang nila nalaman na may pneumonia na pala ang bata at nakitang puro puti na ang baga nito.

Sinubukan pang maiayos ang lagay ng bata sa pamamagitang ng operasyon ngunit lalo lamang daw lumala ang lagay nito hanggang sa tuluyan nang pumanaw.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, mariing pinaalalahanan ang mga magulang na huwag isawalang bahala ang inaakalang simpleng ubo ng sanggol.

Hangga't maaari ay huwag rin hayaang palaipitin sa sanggol ang taong nagyoyosi. Kung mayroon naman kasama sa bahay na nainigarilyo, maaring pagsabihan ito na magbigay ng kaunting konsiderasyon sa sanggol.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Middle-aged na babae, ibinahagi ang kanyang sikreto para magmukhang bata

41-anyos na babae, napagkakamalang 20-anyos lang dahil sa batang itsura

41-anyos na babae, napagkakamalang 20-anyos lang dahil sa batang itsura
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel