Pambato ng USA, wagi sa isang Thai transgender pageant

Pambato ng USA, wagi sa isang Thai transgender pageant

- Wagi ang pambato ng USA na si Jazell Barbie Royale sa "Miss International Queen" na ginanap sa Thailand

- Ang mga kalahok dito ay mga transgender women mula sa 19 na bansa sa buong mundo

- Umani ito ng komento kung nasaan dito raw nararapat ang kinatawan noon ng Spain sa nakaraang Miss Universe 2018

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasungkit ng USA na si Jazell Barbie Royale ang korona sa "Miss International Queen" na ginanap sa Thailand nitong Biyernes, Marso 8.

Ayon sa ABS-CBN news, isa itong pageant kung saan ang mga kandidata ay pawang mga transgender woman o mga lalaking mas tinanggap na ang sarili bilang babae.

Si Jazell ang "first person of colour" na nanalo sa nasabing beauty pageant mula pa noong 2004.

Tinalo ni Jazell na isa palang community leader at aktibista laban sa HIV ang 19 na kandidata mula sa iba't ibang panig ng mundo kabilang na ang mahihigpit niyang kalaban tulad ng Brazil, Peru at iba pang bansa sa Asya.

PAY ATTENTION: Beyoncé, Taylor Swift, and Other Celebrities Who Have Crashed Normal People's Weddings

Tubong Florida USA si Jazell na naglalayong magamit ang kanyang titulo upang mapalaganap pa ang kaalaman ng mga tao tungkol sa HIV testing na matagal nang nagiging isyu sa LGBTQ community.

Bukod sa kanyang titulo, nakuha ring 31 anyos na ito ang Best Talent award.

Samantala, umani naman ang patimpalak na ito ng iba't ibang komento gaya na lamang ng pagsali sana rito ng pambato noon ng Spain na si Angela Ponce.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naging mainit kasi noon ang diskusyon ukol dito dahil si Angela ang kauna-unahang transgender woman na lumahok sa prestihiyosong pageant na dapat daw ay para sa mga tunay na mga babae lamang.

Ayon sa karamihan sa Miss International Queen na lamang daw dapat sumali si Angela at doon patas ang magiging laban niya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Ex-PH officials file in'tl court case against Chinese Pres. Xi Jinping

Ex-PH officials file court case against Chinese Pres. Xi Jinping

Ex-PH officials file court case against Chinese Pres. Xi Jinping
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel