Modus sa pagnanakaw sa mga kumakain sa restaurants, huli sa CCTV

Modus sa pagnanakaw sa mga kumakain sa restaurants, huli sa CCTV

- Viral ang video na kuha sa mga restaurants na nagpapakita kung paano sinasagawa ang pagnanakaw sa mga kumakain dito

- Ang nakaaalarma pa ay ang lalaki na gumamit pa talaga ng bata para di pagdudahan ang masamang gawain

- Maging babala na ito sa atin at maging alerto sa mga personal na gamit kung nasa pampublikong lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi muli ng WGE Asia ang nakaaalarmang video ng pagnanakaw na huli sa CCTV.

Sa unang video, makikita ang lalaki sa video na tumayo sa kanilang pwestong kinakainan ng kasama niyang babaeng abala sa kanyang cellphone.

Naiwan ng lalaki ang maliit na bag o maaring pitaka niya at cellphone sa kanyang upuan.

Di nagtagal, dumating ang dalawang babae at isang lalaki na tumabi sa mesa ng naiwang babae.

PAY ATTENTION: 20 Funny Wedding Memes That Describe Almost Any Wedding

Narito ang link: https://www.facebook.com/1679373572369103/posts/2037204893252634/

Ang isa sa grupo ay nagtanong sa babaeng nakaupo at dahil sa patuloy itong nagsi-cellphone, di niya napansin na nakuha na pala ang gamit ng kanyang kasama.

Sa isa pang video, gumamit pa ng bata ang isa pang magnanakaw kung saan, dahan-dahan niyang sinagawa ang motibo.

Modus sa pagnanakaw sa mga kumakain sa restaurants, huli sa CCTV

Modus sa pagnanakaw sa mga kumakain sa restaurants, huli sa CCTV
Source: Facebook

Tumabi lamang sila ng bata sa dalawang babaeng kumakain. Unti-unti nitong iniuurong ang upuan sa tabi ng kumakaing babae kung nasaan ang bag nito.

Nakuha pang mag-shades ng magnanakaw at maya-maya pa'y naglabas ng eco-bag na siya pala niyang sisidlan ng tinatarget na bag.

Nang magpalagay ng "extra rice" ang babae, dun dali-daling naisilid ng lalaki ang gamit ng babae sa nakahanda niyang eco-bag at pasimpleng umalis.

Labis na nakababahala ang ganitong mga gawain lalo na ang ikalawang video na gumamit pa talaga ng batang babae.

Modus sa pagnanakaw sa mga kumakain sa restaurants, huli sa CCTV

Modus sa pagnanakaw sa mga kumakain sa restaurants, huli sa CCTV
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang komento ng ilang mga netizens:

"Ano b yan? Ang tanda n ganyan png gawain nio, pati bata sinasali nio pa s gawain nio, matakot kau s karma.... Mabilis n bumalik ang karma."
"Ano b yan? Ang tanda n ganyan png gawain nio, pati bata sinasali nio pa s gawain nio, matakot kau s karma.... Mabilis n bumalik ang karma."
"Grabe kasabwat pa ang bata.. paglaki ng bata ganyan din yan"
"Ang ndi k matanggap ung pati bta isinama s ganitong gawain ,imbes n turuan ng mabuting asal ung bata ,,tinuruang mag nakaw"
"Isanama pa ang anak sa masamang gawain....parang itinuro lang na hindi masama ang pagkuha ng hindi nila pag aari."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel