Kontrobersyal na ad ng Vicks tungkol sa batang may HIV, pinaluha ang mga netizens

Kontrobersyal na ad ng Vicks tungkol sa batang may HIV, pinaluha ang mga netizens

- Naging usap-usapan ang commercial ng Vicks vapor rub dahil sa tema nito tungkol sa batang may HIV virus

- Base raw ito sa totoong kwento kaya naman mas lalong naantig ang mga netizens at bahagyang natuto tungkol sa karamdaman

- Sa bandang huli ng video, pinakita ang totoong "Agnes" at ang inaruga nitong bata na may HIV virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang napaluha ng kontrobersyal na commercial ng Vicks tungkol sa isang batang lalaki na mayroon pa lang HIV virus.

“This is a true story of how the power of the #TouchOfCare has given a helpless baby the chance to survive like any other child,”ang caption ng video.

Nilarawan pa nga ito ng Yahoo Philippines bilang "heartbreaking, yet also heartwarming to watch."

Sa umpisa ng video, makikita ang batang lalaki na nag-aalok ng pagkain sa ibang bata nang pinigilan ang bata ng magulang nito na tila nandiri pa sa batang namimigay.

Ang batang lalaki na ito na nag-aalok ng kanyang pagkain ang mayroon pa lang HIV virus.

Ang buong pag-aakala kasi ng karamihan, makukuha ng basta-basta ang virus na ito sa laway, ihi, o pawis. Wala raw itong katotohanan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napilitan lamang ampunin ang bata ng matalik na kaibigan ng kanyang ina. Namatay na ang nanay ng bata, at maging ang kamag-anak nito ay sinukuan na siyang alagaan.

Walang nagawa si Agnes kundi ang akuin ang responsibilidad na maging ina ng bata.

Habang lumalaki ito, napansin niyang sakitin ang bata. Nang dalhin niya ito sa ospital, doon niya nalaman na may HIV pala ito.

Ngunit di sinukuan ni Agnes ang bata at mas lalo niya itong inaruga at inaalagaan.

Wala ring ibang naging hiling si Agnes kundi ang maging normal ang buhay ng batang tinuring na niyang anak.

PAY ATTENTION: Power Couples Who Are Still Adored By The Public Decades After

Hanggang sumapit ang ikaapat na taon ng bata. Narinig niya ang pinakamagandang balita na natutunaw na raw ang virus sa katawan ng bata.

Dahil dito, unti-unti na rin itong namuhay ng normal gaya ng pagpasok sa paaralan.

Sa huli, bahagyang pinakita ang totoong "Agnes" at ang batang inaruga niya sa kabila ng kondisyon nito na base sa totoong buhay.

Labis na namangha ang mga netizens sa kung paano naipahayag ng Vicks sa napakagandang paraan ang tungkol sa HIV.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Maraming salamat Vicks. At this day and age, there should be no room anymore for misconceptions about HIV"
"Powerful Vicks Philippines Kudos in Raising Awareness for HIV misconceptions/wrong assumptions. The way ADS SHOULD BE, with subtance (pero may kirot sa puso) esp sa mga health-related concerns those that have been stigmatized by society!"
"Thank you so much Vicks Philippines. It touched my heart. As an advocate and nurse for PLHIV, this really means to them. I literally cried hehehe. Love them.Care them.Support them."
"Kudos Vicks. This was heartbreaking as it was heartwarming. Thank you for raising awareness on HIV. "
"HIV is not a death sentence, end the stigma! Maraming salamat, VIcks! I cried."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel