Mister, nawindang sa mga hubad na larawan ni misis at kabit

Mister, nawindang sa mga hubad na larawan ni misis at kabit

-Hindi na raw kinaya ni mister ang pangloloko ng kanyang misis sa kanya kaya naman nilayasan na niya ito

-Ngunit idinulog naman niya ang reklamo sa Aksyon upang tuluyan nang tuldukan ang isyu kay misis

-Giit naman ni misis, matagal na raw ang ibinibintang sa kanya ni mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agad na dumulog sa programang Aksyon ang mister na si Dave Hipolito upang ireklamo ang kanyang asawa na dalawang beses na siyang niloko!

Ipinakita rin ni mister ang mga larawang nakuha niya kung saan nakahubad pa ang asawang si Jill Hipolito at ang kabit nito na si Bong Bien.

Ayon pa kay Raffy Tulfo, may kuha pa ang dalawa kung saan nakahubad na nakapatong si misis kay kabit!

PAY ATTENTION: Beyoncé, Taylor Swift, and Other Celebrities Who Have Crashed Normal People's Weddings

Ngunit giit ni Jill, matagal na raw ang isyu na ito at napa-praning lamang si mister.

Bagamat inamin nito na nagkaroon nga ito ng relasyon kay Bong Bien habang sila ay kasal pa ng asawa.

Sabi pa ni mister, pinatawad na niya ang misis dati pa ngunit tila ayaw nitong tumigil sa pakiki-apid sa kabit nito at nagagawa pang maglihim sa kanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nais niya sanang tumigil na ito upang maayos pa ang kanilang pamilya ngunit sabi ni misis ay hindi na niya kaya pang makisama sa asawa.

Sa puntong ito, ipinabatid naman ni Tulfo sa inirereklamong ginang ang kahihinatnan niya sakaling ituloy ni Dave ang kaso sa kanilang dalawa.

Nangako rin si Tulfo na masisibak sa trabaho ang dalawa kahit pa nga bayaw ng may-ari ng kompanya ang kalaguyo ni misis!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Happy International Women's Day, Dear Ladies! International Women's Day is celebrated on March 8. HumanMeter team joined the celebrations by congratulating beautiful Filipino ladies who had no idea what we are up to. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pagawaan ng mag-inang Intsik na tinatawag umanong 'pataygutom' mga empleyado, ininspeksyon na

Pagawaan ng mag-inang Intsik na tinatawag umanong 'pataygutom' mga empleyado, ininspeksyon na

Paktorya ng mag-inang Intsik na tinatawag umanong 'pataygutom' mga trabahador, ininspeksyon na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel