33-anyos na engineer, nasagasaan at pumailalim sa 1 rumaragasang PUJ

33-anyos na engineer, nasagasaan at pumailalim sa 1 rumaragasang PUJ

-Patay ang isang lalaking 33-anyos sa Mandaue City matapos itong masagasaan at pumailalim sa isang Public Utility Jeepney

-Ang biktima kasalukuyang nag-aabang ng masasakyan sa isang sidewalk sa nasabing lugar

-Ang buong aksidente, kuhan-kuha sa isang CCTV footage

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kuhang-kuha ng isang CCTV ang aktwal na pagkakasagasa ng isang rumaragasang Public Utility Jeepney (PUJ) sa isang lalaki sa Mandaue City.

Una, makikita ang biktima na kinilalang si Elbert Dela Cruz Chan, nakatira sa Barangay Talamban, Cebu City, habang nasa isang sidewalk.

Tila nag-aabang ito ng masasakyan at nang saktong tumalikod ito sa gawi kung saan nanggaling ang pampublikong jeepney, doon naman nangyari ang insidente.

PAY ATTENTION: 20 Funny Wedding Memes That Describe Almost Any Wedding

Napag-alaman ng KAMI na isa palang engineer si Chan.

Nangyari ang aksidenteng ikinasawi ni Chan sa isang sidewalk sa .B.B. Cabahug St., Barangay Guizo, Mandaue City.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, ayon naman sa paunang ulat ng Sun Star Cebu, hindi gumana ang preno ng jeepney kung kaya nawalan ng kontrol ang driver.

Dalawa rin sa pasahero ng jeepney ang sugatan sa aksidente.

Arestado na ang driver ng jeepney na si Renato Leanos. Pursigido naman ang asawa ng biktima na ituloy ang kaso laban sa driver ayon sa ulat ng News Bits.

Babala, maselan ang video na inyong mapapanood.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Happy International Women's Day, Dear Ladies! International Women's Day is celebrated on March 8. HumanMeter team joined the celebrations by congratulating beautiful Filipino ladies who had no idea what we are up to. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel