Hinihinalang mangkukulam sa Bulacan, pinagtataga ng kapatid ng nobyo niya

Hinihinalang mangkukulam sa Bulacan, pinagtataga ng kapatid ng nobyo niya

- Isang babaeng nagngangalang Mary Sanchez ang natagpuang patay sa Bulacan

- Ayon sa pulis, pinatay daw ng isang nagngangalang Michael Reyes si Mary dahil pinagkamalan niya itong mangkukulam

- Pero may ibang paliwanag ang suspek sa nangyaring krimen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang babae sa San Ildefonso, Bulacan ang natagpuang patay matapos pagtatagain at putulan ng mga kamay.

Nalaman ng KAMI na Mary Sanchez ang pangalan ng kawawang biktima.

Ayon sa report ni Bam Alegre para sa Unang Balita ng GMA News, sinabi ng pulis na pinatay daw si Mary dahil pinaghihinalaan itong isang mangkukulam.

"Ang initial investigation, pinagkamalan na mangkukulam daw 'yung biktima pero albularyo daw, nanggagamot ng may sakit," sinabi ni Police Officer 1 Gringo Durante.

Ang suspek sa pag-patay ay si Michael Reyes, ang kapatid ng kinakasama ng diumano’y mangkukulam.

PAY ATTENTION: Pinoy Celebrities Whose Relationships Are Not So Well-Known

Pero ayon kay Michael, hindi raw ang pagiging diumano’y mangkukulam ni Mary ang dahilan sa kaniyang ginawa.

"Nagkasagutan po kasi kami doon sa bahay kasi po kinausap ko po siya, nu'ng umuwi ako dun sa kanilang bahay, kung bakit bumalik ulit siya. Kasi nakiusap na po ako sa kanya noong dati pa na iwanan na niya ang kuya ko," ipinaliwanag niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Galit na galit ang netizens sa ginawa ni Michael kay Mary:

“hayop n 2 demonyo ka pkialam mo sa relasyon ng kuya mo s knya.mabulok ka sa kulungan hayop ka.”

“Hinde yan dahilan na tagain mo matanda na walang kalaban Laban sobrang kawawa.”

“ikaw ang masama ikaw ay mahigit pa sa mangkukulam..”

“nakakatakot ang lumang kaisipan ng Pilipino”

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Happy International Women's Day, Dear Ladies! International Women's Day is celebrated on March 8. HumanMeter team joined the celebrations by congratulating beautiful Filipino ladies who had no idea what we are up to. Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate picks

Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate bets

Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate picks
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel