85 anyos na mister, nag-propose muli sa misis niyang may malubha nang karamdaman

85 anyos na mister, nag-propose muli sa misis niyang may malubha nang karamdaman

- Trending ngayon ang post ng isang apo tungkol sa kanyang lolo na muling nag-propose sa kanyang asawa

- May malubha raw karamdaman ang misis nito at di nila alam kung gaano na lamang ang itatagal nito sa mundo

- Marami ang naantig sa mga larawan at video nag ng luha akakaluhang proposal na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi mo raw mapipigilang tumulo ang iyong luha kapag nakita mo ang kakaibang proposal na ito.

Ayon sa inquirer.net, isang 85 anyos na mister ang muling nag-propose sa kanyang misis na may malubhang karamdaman.

63 taon nang kasal ang dalawa na mula sa Ohio, USA.

Ang kanilang apo na si Christina ang nagbahagi sa kanyang Twitter ang nakakakilig at nakakaantig na proposal ng kanyang lolo na si Karl Von Schwarz sa asawa niyang si Donna.

Makikita sa tweet ni Christina na nakaluhod ang lolo niya sa harap ng naka-wheelchair niyang lola bago nito ilabas ang diamond ring.

Mismong ang J.C. Penney Co. jewelry boutique pa na binilhan nila ng singsing ang kumuha ng larawan sa dalawa.

Kwento pa ni Christina, di nila alam kung gaano na lamang itatagal ng kanyang lola dahil sa karamdaman nito.

“My grandma has been very sick & we don’t know how much time she has left,” Christina wrote. “After over 65 years of marriage my grandpa got her a new ring and proposed to her again… I don’t know why I’m crying in the club [right now]," caption ni Christina sa kanyang post.

Kitang kita ang tuwa ni Donna sa ginawang proposal ng kanyang mister.

High School sweethearts daw sina Donna at Karl. Ikinasal sila noong 1956 at mula noon, di na sila nagwalay pa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Masasabing isa sa pinaka-mabigat na taon ang 2018 para sa mag-asawa sa tagal nilang magkasama.

Ito kasi ang taong kung kailan na-stroke, nag-seizure, at nagdaan sa open-heart surgery si Donna.

Pinangako raw ni Karl na bibilhan niya ng singsing ang misis kung malampasan niya ang operasyon.

At nitong Marso 2, tinotoo nga niya ito.

Samantala, emosyonal na sinabi ni Karl ang kanyang nadarama sa ginawa niyang pagpo-propose muli kay Donna.

“It was great because it’s a gal that I’ve loved all of my life, It was very easy. You know we’ve been together so long that we can’t stay apart easily,” pahayag ni Karl.

Umani nang halos 25,500 reactions at mahigit kumulang na 2,500 na komento at retweets ang naturang post.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

International Women's Day is celebrated on March 8. HumanMeter team joined the celebrations by congratulating beautiful Filipino ladies who had no idea what we are up to.

Happy International Women's Day, Dear Ladies | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Middle-aged na babae, ibinahagi ang kanyang sikreto para magmukhang bata

41-anyos na babae, napagkakamalang 20-anyos lang dahil sa batang itsura

41-anyos na babae, napagkakamalang 20-anyos lang dahil sa batang itsura
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel