2 anyos na batang inakalang may hika lang, patay dahil sa di naagapang lung cancer

2 anyos na batang inakalang may hika lang, patay dahil sa di naagapang lung cancer

- Laking gulat ng ina ng dalawang taong gulang na bata nang malamang may lung cancer na pala ito

- Nakapag-konsulta na umano sila sa anim na doktor at sinabi ng mga ito na hika lamang ang karamdaman ng bata

- Masama ang loob ng ina dahil sana raw ay naagapan ang karamdaman ng anak kung naging mabusisi lang sana ang iba't ibang doktor na kanilang pinuntahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di maiwasang masisi ng inang si Kelly Clarkson ng United Kingdom ang mga doktor na tumingin sa kanyang anak dahil sa maling diagnosis dito.

Ayon sa the Asian Parent Philippines, anim na buwan pa lamang ang baby ni Kelly na si Morgan nang mapansin nitong matindi raw itong magkaubo.

Bukod pa rito, habang lumalaki raw ang bata, lalo itong namamayat at ang nakapagtataka pa raw ay lubog na ang dibdib nito. Pansin rin niyang hirap itong huminga.

Dahil dito, kumunsulta si kelly sa anim na magkakaibang doktor. Ginawa niya ito para masiguro kung ano ba talaga ang dinaramdam ng anak ngunit pare-pareho ang mga sinabi nitong hika lamang ang sakit ni Megan.

Wala rin ni isa sa mga doktor na ito ang nagsabi na kinailangang ipa-x-ray na si Megan upang masigurado kung ano nga ba ang totoong nangyayari na sa bata.

Humantong pa sa puntong kinailangan nang i-emergency ang bata bago pa nila malamang mayroon na itong type three pleuropulmonary blastoma na isang kakaibang uri ng lung cancer.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dalawang taon na si Megan nang ma-diagnose siya ng cancer.

Sa tagal nang dinaramdam na ito ni Megan at dahil sa kumalat ang cancer nito, napilitan na ang doktor na tanggalin ang isang baga nito.

Sa kasamaang palad, tatlong linggo lamang ang tinagal ni baby Megan at binawian na rin ito ng buhay.

Kung naagapan lamang daw ang pagkaka-diagnose ng cancer kay Megan, maaring buhay pa raw ito ngayon.

Payo ni Kelly sa mga magulang, siguraduhing maipagamot ang anak ng maayos at sa katiwa-tiwalang doktor.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

International Women's Day is celebrated on March 8. HumanMeter team joined the celebrations by congratulating beautiful Filipino ladies who had no idea what we are up to.

Happy International Women's Day, Dear Ladies | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Korean-look ng 1 Wowowin contestant at SK Kagawad, hinangaan at kinakiligan

Korean-look ng 1 Wowowin contestant at SK Kagawad, hinangaan at kinakiligan

Oppa! SK Kagawad sa Wowowin, pinakilig ang audience dahil sa kanyang looks
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel