4-anyos na bata, patay sa pambubugbog ng ina at panggagahasa ng nobyo nito

4-anyos na bata, patay sa pambubugbog ng ina at panggagahasa ng nobyo nito

- Arestado ang ina pati na rin ang nobyo nito dahil sa pang-aabuso at pagpagpatay di umano sa apat na taong gulang nitong anak

- Lakas loob pa nilang sinabi nalunod lamang ang bata ngunit lumabas sa sinagawang imbestigasyon na sinaktan ito at nagahasa pa

- Malaki raw ang posibilidad na hinampas sa ulo ang bata habang ito ay kumakain, dahilan upang ito ay mabulunan at tuluyang mamatay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunos lunos ang sinapit ng isang apat na taong gulang na bata sa Argentina kung saan mismong ina niya at nobyo nito ang umaabuso sa kanya.

Ayon sa the Asian Parent Philippines, lakas loob pa raw sabihin at palabasin ng ina na nalunod lamang sa swimming pool ang bata nang dalhin ito sa ospital.

Ngunit, nalaman ng KAMI na sa isinagawang pagsusuri ng mga doktor, lumabas na nakararanas ng matinding pang-aabuso ang bata.

Nakilala ang biktima na si Bianca Xiomara Godoy na dating masayahing bata. Nagbago lamang ang lahat mula nang magkaroon ng bagong kinakasama ang kanyang ina na si Viviana Beatriz Roldan.

Maging ang ina rin nito ay malaki ang pinagbago dahil na rin sa kakaibang kinikilos ng nobyo nito.

Ayon sa mga kakilala at kaibigan ni Viviana, sinasaktan daw ito ng nobyo at sapilitang pinagtutulak at pinagbebenta ng droga.

Ito rin marahil ang dahilan bakit pati ang walang muwang na bata ay nadadamay sa pananakit ng amain.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kwento pa ng kapatid ni Viviana, nais na sanang kunin ng ama si Bianca ngunit di naman ito natuloy.

Sa isinagawa pang autopsy, may nakitang mga latay ng sinturon sa katawan ni Bianca. May ilang marka rin ito sa leeg at kamay na maaring sanhi ng panggagapos sa bata.

Dagdag pa ng pulisya, malaki raw ang posibilidad na hinampas ng malakas ang bata sa ulo habang kumakain, dahilan upang mabilaukan ito at mamatay.

Nagawa rin daw umano itong pagsamantalahan ng nobyo ng kanyang ina.

Di man nabanggit sa orihinal na ulat ng Daily Mail ngunit tiyak na patong patong na kaso ang haharapin ng mag-nobyo.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

International Women's Day is celebrated on March 8. HumanMeter team joined the celebrations by congratulating beautiful Filipino ladies who had no idea what we are up to.

Happy International Women's Day, Dear Ladies | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Ex-PH officials file in'tl court case against Chinese Pres. Xi Jinping

Ex-PH officials file in'tl court case against Chinese Pres. Xi Jinping

Ex-PH officials file court case against Chinese Pres. Xi Jinping
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel