TNT Boys, may bagong pasabog! Fans, huwag daw mag-alala

TNT Boys, may bagong pasabog! Fans, huwag daw mag-alala

- TNT Boys, nagsalita na pagkatapos ng pagkatanggal nila sa The World's Best

- Huwag daw mag-alala ang mga faney dahil may bagong pasabog sila

- May bonggang sorpresa rin sila sa na dapat daw abangan kaya huwag na raw ma-sad

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Marami pa raw na mga pasabog ang TNT Boys pagkatapos ng kanilang laban sa The World's Best, ayon pa sa panayam sa kanila na spotted ng KAMI.

Kaya huwag daw mag-alala ang mga faney at imbes na malungkot ay magsaya raw dahil mas maraming mga blessings ang natatanggap nila ngayon.

Pag-amin naman ng mga batang mang-aawit sa interview ni Mario Dumaual sa Star Patrol ng TV Patrol na imbes daw na malungkot sila ay panay ang kanilang pasasalamat.

Ayon pa sa kanila na marami pa raw ng mga chances at huwag daw mag-alala dahil hindi rin daw ito ang huli.

Nagpasalamat naman sila lalong lalo na kay Pops Fernandez na todo ang suporta sa kanila na isa sa 50 international experts sa nasabing programa.

May world tour pa raw sila at regular na din sila sa ASAP Natin To sa Kapamilya network.

At may bagong recording din umano sila.

Una naming ibinahagi ang tila kakaibang napansin ng mga netizens sa performance ng TNT Boys sa The World's Best pagkatapos ng mga trending at viral na performances nila.

Ang TNT Boys ay kilala rin bilang ang The Big Shot Trio na binubuo nina Keifer Sanchez, Mackie Empuerto, at Francis Concepcion.

Sila ay dating mga finalists sa Tawag ng Tanghalan Kids ng It's Showtime noong 2017.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask Filipinos on ‘How To Get Over Your Ex.’

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’

Teddy Corpuz breaks his silence on alleged disbandment of 'Rocksteddy'

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel