Ginang, 'di inaasahang nanganak sa isang ferry

Ginang, 'di inaasahang nanganak sa isang ferry

-Hindi inaasahan ng mga pasahero ng isang ferry na magkakaroon ng isang emergency habang sila ay nasa byahe

-Isang ginang kasi ang biglaang nag-labor at kinailangang manganak na

-Mabuti na lamang at mayroong midwife at doktor na pasahero rin ng ferry

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasa byahe na raw ang isang ferry na byaheng Batangas-Mindoro nang biglang i-anunsyo na mayroong manganganak na babae dito.

Ayon sa ulat ng Bayan Mo, Ipatrol mo, Nagtulungan ang mga crew at ang ilang pasahero upang ligtas na maipanganak ang sanggol.

Sa kwento ni MayPearl Cabatay, isa sa mga pasahero, bilang isang dating midwife ay tumugon siya sa panawagan ng crew na tulong para sa 'di inaasahang pangyayari.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Katulong nito ang isa pang pasahero rin na isa namang doktor na si Dra. Linda Umali.

Sa kabutihang-palad, isang malusog at ligtas na baby boy ang iniluwal ng ginang.

Inabot lamang umano ng kalahating oras ang pagpapaanak sa babae.

Kasalukuyang nagpapagaling na ito at ang bagong silang nitong sanggol sa Oriental Mindoro Provincial Hospital.

Samantala, ayon sa report ng ABS-CBN News, si Cabatay, na isa sa tumulong sa mag-ina ay isang dating midwife sa Pilipinas at ngayon ay isa ng nurse aid sa Saudi Arabia.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel