8 anyos na bata, matiyagang nagbuo ng imahe ng Taj Mahal gawa sa 6,000 pirasong Lego

8 anyos na bata, matiyagang nagbuo ng imahe ng Taj Mahal gawa sa 6,000 pirasong Lego

-Nakakabilib ang batang si AJ na matiyagang nagbuo ng imahe ng Taj Mahal gawa sa halos 6,000 piraso ng Lego

- Apat na taong gulang pa lamang si AJ nang magsimula itong magbuo ng lego ng iba't ibang imahe

- Malaki raw ang posibilidad na maging arkitekto ang batang ito na nahihilig sa mga iba't ibang historical landmarks at gusali

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakamamangha ang isang walong taong gulang na batang si AJ na mahilig magbuo ng Lego.

Di lamang basta-bastang Lego ang kanyang nakahiligang buuin kundi mga imahe ng iba't ibang historical landmarks na yari dito.

Isa na rito ang kakatapos lamang niyang buuin na Lego Taj Mahal na binubuo ng halos 6 na libong piraso ng Lego blocks na matiyaga niyang binuo mag-isa.

Ayon sa kanyang ina, apat na taong gulang pa lamang si AJ nang magpakita na ito ng interes sa pagbuo ng mga Lego.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Malaki nga raw ang posibilidad na maging arkitekto ito balang araw sa hilig nito sa pagbubuo ng mga gusali kahit pa Lego muna ang kanyang gamit sa ngayon.

Maging ang mga news anchor ng Koin.com kung saan na-feature si AJ ay humanga sa tiyaga at talento ng batang ito sa kanyang murang edad.

Ayon pa sa ina ng bata, binahagi niya ito upang magsilbing inspirasyon sa mga kabataang tulad ni AJ na sa edad niyang walo ay kinakitaan na ng tiyaga at pasensya sa pagbuo ng kinahiligang laruan.

Maganda itong simula sa pagbuo rin ng karakter ng isang bata lalo na sa pag-abot din ng kanyang pangarap balang araw.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking may sakit sa puso, umakyat pa rin ng entablado para sa kanyang graduation

Lalaking may sakit sa puso, umakyat pa rin ng entablado para sa kanyang graduation

Lalaking may sakit sa puso, umakyat pa rin ng entablado para sa kanyang pagtatapos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel