Hesukristo, nakunan daw ng larawan kung saan nakuha ang iba niyang imaheng di nasunog

Hesukristo, nakunan daw ng larawan kung saan nakuha ang iba niyang imaheng di nasunog

- Nakunan daw di umano ng litrato si 'Hesukristo' sa lugar kung saan nasunog ang nasa 70 na kabahayan

- Maging ang mga imahe niya sa mga pahina ng pambatang bibliya at rebulto ng Sto. Niño ay himalang di nasunog

- Bagaman at nagkaroon ng mga paliwanag ang ilang ekperto ukol sa mga pangayayaring ito, di naman nawalan ng pananampalataya ang mga pinakitaan ng mga milagrong ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang malaking sunog ang naganap sa Duma-duma sa Tago, Surigao del Sur na tumupok sa nasa 77 mga kabahayan roon.

Halos wala nang natira sa mga tirahan ng residente at tila naabo na ang lahat.

Ngunit sa kabila ng trahedyang ito, ilang milagro di umano ang naganap sa pinangyarihan ng sunog na siyang kinapitan ng lakas ng pananampalataya ng mga nakaranas doon.

Ayon sa ulat ng Kapuso mo Jessica Soho noong Marso 3, dalawang simbolo ni Kristo ang himalang di nasunog kahit halos naabo na ang lugar.

Isa rito children's bible kung saan gilid lang ng mga pahina ang natupok ngunit ang mismong bahagi kung nasaan ang pwesto ni Hesus, buo pa at walang anumang sira.

Ang isa naman ay ang rebulto ng Sto.Niño na nakuha pa sa isang tahanan roon. Naniniwala ang may-ari na ang Sto.Niño ang nagligtas sa kanilang pamilya.

Ang nakakapanindig balahibo ay ang binahagi ng isang dating OFW na si Karen Ann Salvacion na tila sumama talaga ang loob sa pangyayari.

Lahat daw kasi ng kanyang pinaghirapan lalo na ang bahay, ay katas ng paghihirap niya sa ibang bansa. Masama raw ang loob nitong na-abo lang ang pinatayo niyang bahay.

Kaya bilang 'remembrance' pa rin kahit na paano, naisipan niyang kunan ng litrato ang lugar kung saan natarik noon ang kanyang pinaghirapang bahay, isang linggo matapos ang trahedya.

Laking gulat niya nang mapansin ng ilang tumingin sa larawan na na nakunan niya mismo si "Hesukristo" na nakatayo sa lugar noon ng sunog.

Dahil dito, tila naliwanagan ang dating OFW at naisip ang mensaheng nais ipabatid ng larawan sa kanya. Mula noon , nanumbalik ang kanyang pananmpalataya at muli siyang nagsimba.

Samantala, may paliwanag ang mga bumbero sa mga di nasunog na imahe sa lugar. Agad daw naapula ang sunog kung saan natagpuan ang mga ito.

Tungkol naman sa litrato, pinasuri ito sa isang eksperto na si Jijo de Guzman, isang professional photographer at instructor, at kinumpirma niyang di nga edited ang naturang larawan.

Maari raw itong isang halimbawa ng Pareidolia kung saan nakakakakita ang ilan ng mga imahe sa ng tao sa isang larawan.

Ngunit nang ipagtanong- tanong ng team ng KMJS ang larawan sa mga taga-Duma-duma, may nakakilala rito.

Isang Reneboy Suazo ang nagkumpirma na siya ang nasa larawan at hindi si Hesukristo.

Ayon kay Reneboy, nangangalakal siya isang tanghali sa dating tinatayuan ng bahay ni Karen Ann.

Sa kabila ng kumpirmasyong ito, naniniwala pa rin daw si Karen Ann na si Hesukrito nga ang nakunan niya sa larawan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

International Women's Day is celebrated on March 8. HumanMeter team joined the celebrations by congratulating beautiful Filipino ladies who had no idea what we are up to.

Happy International Women's Day, Dear Ladies | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel