Willie Revillame, grabe ang halakhak sa batang JaPinoy contestant na galing sa Bohol

Willie Revillame, grabe ang halakhak sa batang JaPinoy contestant na galing sa Bohol

- Trending na naman ang isang episode ng Wowowin ni Willie Revillame

- Ito ay dahil sa isang batang JaPinoy contestant na galing sa Bohol

- Hindi maubusan ng halakhak o tawanan ang studio audience dahil sa nakakagiliw na bata

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naispatan ng KAMI ang bagong trending episode ng Wowowin ni Willie Revillame dahil sa isang batang JaPinoy na nagmula sa Bohol.

Mga batang promdi ang mga contestants ni Kuya Wil sa kanyang Wowowin segment na Willie of Fortune.

Sa bungad na trending video ng Wowowin, biro na saad ng TV host na dalawa lang daw ang nakarating at hindi raw kompleto ang mga contestants kaya bukas na lang umano sila magkita-kita.

Ito ay bago pa man niya ipinakilala ang batang JaPinoy na si Esau na nagmula pa sa Bohol.

Nang kausapin ni Willie ang bata ay napuno ng tawanan ang studio ng show pati siya ay hindi nakapagpigil sa kanyang halakhak dahil sa nakakaaliw na batang JaPinoy.

Sa likod ng kabibohan ng batang JaPinoy ay bakas ang matinding kahirapan na pinagdaanan, pinagdadaanan, at ang malakas na pag-asa na sana ay manalo sila ng kanyang mama sa laro.

Grabe man ang tawa ng mga netizens dahil sa pananalita ng bata ay hiling nila na sana ay makilala at makita na ni Esau ang Hapon na ama.

Tinawag pa nila ang pansin ng KMJS na sana ay matulungan ang bata.

Kamakailan, ibinahagi namin ang pagpapatigil ni Willie Revillame sa laro sa isang segment ng Wowowin dahil sa di magandang napansin nito na agad niyang inaksyunan.

Si Willie Revillame ang host ng Kapuso variety game show na Wowowin na unang umere noong May 10, 2015 sa GMA.

Ang Willie Of Fortune ay isa sa sumikat na game segments sa kanyang TV show.

POPULAR: Read more news about Willie Revillame here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask Filipinos on ‘How To Get Over Your Ex.’

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Huthuterong kabit ni misis, di hinarap si mister nang kunin niya ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel