Sanggol na nagkaroon ng pneumonia dahil sa sigarilyo, agad pumanaw

Sanggol na nagkaroon ng pneumonia dahil sa sigarilyo, agad pumanaw

-Isang buwang gulang pa lamang si baby Rafizh nang tamaan ito ng pneumonia at agad na pumanaw dahil sa usok ng sigarilyo

-Nakakadurog ng puso ang mga larawan ng sanggol pagkatapos itong dalhin sa ospital

-Hindi na umano napansin ng mga magulang nito na mayroon na palang nalanghap na usok mula sa sigarilyo ang kanilang sanggol minsang nagkaroon ng maraming bisita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na muli pang mayayakap ng kanyang mga magulang ang sanggol na si baby Hafizh dahil sa maaga nitong pagpanaw.

Ayon sa ulat ng The Asianparent, nagkaroon ng pneumonia ang bagong silang na si Hafizh dahil sa usok ng sigarilyo.

Sabi ng ina ng bata, nagkaroon sila ng selebrasyon para sa unang paggupit ng buhok nito na isa sa kanilang tradisyon.

Dahil dito, kinailangan nilang maglagi sa bahay ng kanyang biyenan kung saan ginanap ang party.

Habang nasa party ay hindi na umano nila namalayan na may mga taong naninigarilyo sa lugar.

Wala rin naman daw sintomas na ipinakita ang kanyang anak nang araw na iyon.

Ngunit makalipas ang dalawang araw, nagkaroon ng ubo si Hafizh at tila nahihirapang huminga.

Sanggol na nagkaroon ng pneumonia dahil sa sigarilyo, agad pumanaw

Photo source: The Asianparent
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa report, uminom ng gamot ang ina ni Hafizh upang maipasa ito sa pinadededeng anak.

Ngunit hindi bumuti ang lagay ng sanggol kaya naman agad na nila itong dinala sa isang ospital at doon nakumpirma na nagkaroon ito ng pneumonia.

Agad na nilagyan ng mga aparatos ang sanggol na ikinadurog ng puso ng ina nito.

At nang lumabas ang x-ray results, nakitang puro puti ang baga ng sanggol.

Humingi pa raw ng consent ang ospital para maoperahan ang sanggol sa oras na hindi umayos ang lagay nito.

Ngunit dalawang linggo matapos itong makalanghap ng usok ng sigarilyo, bumaba na ang pulso ng bata.

Doon na nawalan ng pag-asa ang ina nito at nagpaalam na sa anak. Pagkatapos raw halikan nito ang anak ay tuluyan nang namaalam si baby Hafizh.

Sanggol na nagkaroon ng pneumonia dahil sa sigarilyo, agad pumanaw

Photo source: The Asianparent
Source: Facebook

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ex-PH officials file court case against Chinese Pres. Xi Jinping

Ex-PH officials file court case against Chinese Pres. Xi Jinping

Ex-PH officials file court case against Chinese Pres. Xi Jinping
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel