3 taong gulang na bata, pinatay sa sakal ng amang nagpatiwakal din kalaunan

3 taong gulang na bata, pinatay sa sakal ng amang nagpatiwakal din kalaunan

- Nagpakamatay din ang isang ama matapos na patayin sa pananakal ang sarili niyang anak

- Tinuturong dahilan ang di pagpapadala ng pera ng misis nito na nasa ibang bansa dalawang buwan na ang lumipas

- Nakita ang bangkay ng tatlong taong gulang na batang may nakapulupot na electric wire sa leeg

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang tatlong taong gulang na bata sa Roxas City, Capiz kung saan sarili niya mismong ama ang kumitil ng kanyang buhay.

Ayon sa GMA news, nakita ang bangkay ng batang lalaki na may naka-pulupot na electric wire sa leeg nito.

Pinaniniwalaang sinakal ito ng ama na nagawa ring magpakamatay matapos ang krimen na nagawa sa anak.

Hindi na naabutang buhay ng awtoridad ang ama at anak nito sa kanila mismong bahay kung saan nangyari ang krimen.

Sinasabing ang dahilan ng lahat ng ito ay ang di pagpapadala ng asawa nitong OFW ng sustento.

Dalawang buwan na raw walang pinadadalang pera ang misis at tila naaburido na ang asawa nito na humantong sa pananakit at pagpatay sa sariling anak.

Samantala, nanggagalaiti naman sa galit ang mga netizens na nakakita ng video na ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Anong klaseng ama ito? dinamay pa ang anak"
"Wow, pakamatay agad kuya? pinatay mo pa anak mo? tao ka ba?
"habang ang anak mo e siguradong sa langit na, ikaw naman sa impyerno na talaga"
"E bakit hindi ikaw ang nagtrabaho e ikaw ang lalaki?"
"So ang sisisihin e yung misis kasi di nagpadala ganun ba?"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate picks

Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate picks

Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate picks
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel