10 estudyante, huli sa CCTV ang pagsipa-sipa sa bungo ng yumaong matanda

10 estudyante, huli sa CCTV ang pagsipa-sipa sa bungo ng yumaong matanda

- Kitang kita sa CCTV kung paano pinagsisispa ng ilang estudyante ang bungo na nakilalang isang matandang namatay noong 2007

- Nabagsakan umano ng puno ang nitso ni Matrina Lagit, ang bungong pinaglalaruan ng mga estudyante

- Masamang masama ang loob ng mga anak ni Martina nang malaman ang paglalapastangan sa bungo ng yumao nilang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Huli sa CCTV ang ginawang paglalapastangan ng nasa 10 estudyante sa bungo ng tao sa banyo ng San Jacinto National High School noong Pebrero 22.

Nalaman ng KAMI na nakilala ang bungo na si Martina Lagit, 78 anyos na pumanaw noon pang 2007.

Ayon sa GMA news, nabagsakan umano ng puno ang nitso ni Martina dahilan para mawasak ito.

Doon di umano nakuha ng mga binatilyo ang bungo na nadala sa kanilang paaralan.

Samantala, di maiiwasang sumama ang loob ng mga anak ni Martina sa ginawa ng ilang kabataan sa bungo ng kanilang ina.

"Binalasubas nila 'yung bungo ng nanay namin, siyempre parang dobleng sakit. Kasi siya 'yung nagbigay ng buhay sa min eh. Tapos ganoon na makikita mo sa social media na nilapastangan nila," pahayag ni Lessy Lagit isa sa mga anak ng yumao.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa sa isang anak ni Martina na si Rodolfo, kawawa naman daw ang kanyang ina na kahit patay nam di na parin daw dapat itong ginawa ng mga kabataan.

Dahil sa pangyayari, inilipat na ang 10 estudyante sa open high school.

Hindi man pinangalanan ngunit sinabing mula grade 7 hanggang grade 10 ang naturang mga estudyante.

Pahayag naman ng punongguro ng paaralan na si Perlita Ostrea, di naman daw sila nagkulang sa paalala sa mga batang ito lalo na pagdatin sa kanilang disiplina.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel