4 taong gulang na bata, saksi kung paano tinapon ng ama ang bangkay ng ina

4 taong gulang na bata, saksi kung paano tinapon ng ama ang bangkay ng ina

- Saksi umano ang apat na taong gulang na anak sa pagtatapon ng bangkay ng kanyang ina na pinatay ng kanyang ama

- Nakuha pang mag-makaawa ng bata sa ama na huwag umano nitong dawin sa kanya ang ginawang pagptay ng ama sa kanyang ina at kapatid

- Agosto pa pinaniniwalaang nagawa ang krimen dahil lamang sa gusto nang sumama ng ama sa kanyang karelasyon sa trabaho at basta na lamang 'dinispatsa' ang kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Malaking kontrobersiya ang naidulot sa Amerika ng pagpatay ng isang lalaking taga-Colorado sa kanya mismong pamilya.

Ayon sa Yahoo Philippines, Umamin ang suspek na si Christopher Watts na nakita pa umano ng kanyang apat na taong gulang na anak kung paano niya binalot ang bangkay ng misis sa kumot bago niya ito 'i-dispatsa.'

Nalaman ng KAMI na nagawa pang tanungin ng apat na taong batang si Bella ang kanyang ama kung saan nito dadalhin ang kanyang ina.

Sinabi ng ama na 'may sakit' daw ang ina kaya kinakailangan itong dalhin sa ospital. Pero tila di kumbinsido ang bata sa sagot ng ama. Sa halip, nag-makaawa itong huwag gawin sa kanya ang ginawa ng ama sa ina at kanyang kapatid.

Ngunit, nagawa ring patayin ni Chris si Bella sa kabila ng pagmamakaawa nito.

Agosto ng nakaraang taon nang mangyari ang krimen. Lakas loob pang nag-report sa pulisya na "missing' ang kanyang mag-iina ngunit lumabas sa masusing imbestigasyon na siya pala ang salarin.

Ayon pa sa pahayag ng abogado ng mga biktima na si Steven Lambert, nagsimula ang lahat nang ipinagtapat na ni Chris sa kanyang misis na siya ay may iba nang babae at nais na niya na divorce. Dahil dito, sinabi ng babae na di na makikita ni Chris ang kanyang mga anak kabilang na rito si Nico na noo'y pinagbubuntis pa lamang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Doon nangsimulang magdilim ang paningin ni Chris at sinakal hanggang sa tuluyan nang di makahinga ang misis.

Sumunod nitong patayin ang tatlong taong gulang na si Celeste. At ang huli ay ang nagmakaawa pang si Bella na nagmistulang saksi sa krimen.

Nagawa ni Chris ang lahat nang ito dahil sa gusto lamang nitong magbagong-buhay kasama ang bago niyang babae.

Natagpuang ang bangkay ng misis ni Chris na si Shannen sa isang lote ng dati nitong boss, habang ang bangkay naman nina Celeste at Bella ay nakita sa malapit na oil tank sa lugar.

Nobyembre nang lumabas na "guilty" si Chris sa krimen at haharapin niya ang "three life sentences without the possibility of parole"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Ex-PH officials file in'tl court case against Chinese Pres. Xi Jinping

Ex-PH officials file in'tl court case against Chinese Pres. Xi Jinping

Ex-PH officials file court case against Chinese Pres. Xi Jinping
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel