Jeepney driver sa Batangas, libreng sinasakay ang mga senior, buntis at mga honor students

Jeepney driver sa Batangas, libreng sinasakay ang mga senior, buntis at mga honor students

- Nag-viral ang mabuting gawi na ito ng isang jeepney driver sa Sto. Tomas, Batangas kung saan libre niyang pinasasakay ang mga senior, buntis at maging honor students sa klase

- Binahagi ito ng isang netizen na nakasakay umano sa jeep ng driver na si Como Iquin Jose

- Ang nakakamangha pa sa ginagawa niyang ito ay walang kailangang requirements para makalibre ng sakay basta nagsasabi ka ng totoo at alam mong isa ka sa mga pasok sa "libre sakay"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging agaw eksena sa social media ang mabuting gawi ng isang jeepney driver sa Sto. Tomas, Batangas.

Ayon sa Inquirer.net, libre raw ang sakay ng mga senior citizen, buntis at maging honor students sa jeep ng driver na nakilalang si Como Iquin Jose

Nalaman ng KAMI na ang netizen na si Carms Maricar Corona ang orihinal na nagbahagi ng larawan dahil na rin sa pagkamangha sa gawain na ito ng driver.

"Exclusive Jeepney for all senior, PWDs, pregnant and honor students. Free Fare 100%. I will continue to share my blessings to others. Good vibes and God Bless. Happy rides po!" ang nakasulat karatulang nasa loob ng jeep.

At dahil marami ang maaring ma-libre sakay sa kanyang jeep, Naitanong kay Jose kung may dapat bang ipakita para malaman kung pasok sila sa kwalipikasyon ng libre sakay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Minsan kasi ang mga senior ay di pa mukhang matanda at pano kung ang buntis ay ilang buwan pa lamang at di pa malaki ang tiyan. O di kaya naman di naman talaga honor sa klase, paano mapapatunayag maari silang malibre sa pamasahe?

“No requirements, ang sa ‘kin honest na lang, kung may manloko man, di ko na problema yun,” ang nakakagulat na sagot ni Jose.

Masaya na raw siya na makatulong sa mga araw-araw na sumasakay sa jeep. Isa rin niya itong paraan upang makonsensya ang mahihilig mag-1-2-3 sa jeep o yung mga di nagbabayad at bumababa na lamang.

Bukod dito, minsan ding na-libre sakay niya ang OFW at mga guro. Minsan naman mga anak ng OFW.

Sadyang may mga tao pa ring sa munti nilang paraan ay nagagawa paring tumulong sa kapwa nila anuman ang estado nila sa buhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel