Menor de edad na hinusgahan sa maagang pagli-live-in, magtatapos na sa pag-aaral

Menor de edad na hinusgahan sa maagang pagli-live-in, magtatapos na sa pag-aaral

Aminado si Mary Joy Galan na di naging madali ang panindigan ang kanyang maagang pakikipagrelasyon.

Mas lalo na nang magdesisyon sila na magsama na ng kanyang nobyo kahit sila ay mga menor de edad pa lamang.

Marami ang nanghusga sa kanila na di magtatagal ang kanilang pagsasama dahil sa di raw nila kakayanin ang hamon ng buhay mag-asawa lalo na at sila ay bata pa.

Ngunit tila di nagkamali sina Mary Joy at kanyang nobyo sa desisyon nilang magsama dahil sa tagumpay na kanilang tinatamasa ngayon.

Ga-graduate na si Mary Joy sa kolehiyo sa tulong lamang ng kanyang kabiyak. Pinaghirapan talaga nila ito dahil sa ayaw nilang maka-abala pa ng ibang tao lalo na ng kanilang mga magulang.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Narito ang kabuuan ng kwento ni Mary Joy na buong tapang niyang binahagi sa KAMI.

" Menor de edad” nag live-in, Pero "GAGRADUATE”.
At first madaming tao ang nagsasabi at nag judge sa amin na "mahihirapan kami sa buhay kesyo bata pa kmi nagsama” "kesyo na wla daw kaming mararating sa buhay kasi wla pa kming alam sa buhay mag asawa. Halos lahat ata nang pwedeng i judge sa amin sinabi na ng mga taong pinangunahan ang buhay mag asawa namin. Pero lahat ng mga yun ay ginawa naming inspirasyon para maging maayos ang buhay namin.
(April 18,2007) ng magsimula kami ni rg as bf/gf.(March 10,2010) nang magdesisyon kaming mag live-in at first ang buhay mag asawa talaga ay totoong ndi madali at ndi puro sarap lng ang mararanasan andun din ang hirap at lungkot,iyak pag aaway at darating sa point na maghiwalay na lng kasi nga bata pa kami at nagsasawa na.
(July2011 ) nabuntis na ako, as in wla kaming kapera pera mag asawa wla syang trabaho at ako nmn ay wla din at may problema pa kmi sa magulang nya. Para makaipon para sa pagpapacheck up ko, naglalabada kmi mag asawa at nagtitinda kmi ng mga picture sa mga kasal,binyag at kung ano pang okasyon.
Menor de edad na hinusgahan sa maagang pagli-live-in, magtatapos na sa pag-aaral

Menor de edad na hinusgahan sa maagang pagli-live-in, magtatapos na sa pag-aaral
Source: UGC

Hanggang sa pagtitinda nmin nakaipon kami mag asawa hanggang sa nagkatrabaho sya nang regular (March 20,2012) nanganak ako at naging magulang kami pero ndi sa pagmamayabang, Taon ang nagdaan wla kaming ibang sinandalan mag asawa kundi kaming dalawa lng simula ng nagsama kmi ndi kami namorwesyo sa mga kanya knyang magulang namin gusto nming patunayan sa mga taong nagjudge sa amin na kaya naming mataguyod ang buhay mag asawa kahit menor de edad kami nagsama.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At dumating ang taon na napagdesisyonan namin na bakit ndi ulit ako mag aral para kahit isa sa amin ay may marating sa buhay at makapagtapos kahit sa akala namin tapos na ang buhay mag aaral ko pero,nagkamali ako dahil (May 2014 ) nagsimula ulit ako maging studyante.
At sa kabila ng pag aaral ko ang asawa ko ang nagsilbing magulang ko upang pag aralin ako
3years syang naging crew sa fastfood chain na halos mukha na syang bungo kakatrabaho mapagkasya nya lng ung sahod nya sa pangkain nmin at pangtuition ko at panglibro at dumating pa ang taon ndi sya tumigil sa pagtatrabaho para lng mapagtapos ako pero sa kabila ng pagkakayod ng asawa ko naging scholar ako para makatulong sa knyang mga gastusin. Kaya sa mga taong nagsasabing ndi worth it ang asawa ko na sya isama ko sa raw ng graduation.!!? Mali kayo dahil ndi nyo alm ang mga hirap na pinagdaanan nmin mag asawa ang sakripisyo nya para makapagtapos ako dahil ung mararanasan ko ayun ang gusto kong iparanas sa knya na khit makita man lng nya akong umakyat sa stage na nka black toga dahil ang achievement ko ay achievement din ng asawa ko .
Menor de edad na hinusgahan sa maagang pagli-live-in, magtatapos na sa pag-aaral

Menor de edad na hinusgahan sa maagang pagli-live-in, magtatapos na sa pag-aaral
Source: UGC

And this is it dumating na yung taon, Makakagraduate na kami, Ako bilang mag aaral atAng asawa ko, Makakagraduate na sa pagpapa-aral sa akin
masayang masaya kami kasi sa kabila ng mga pinagdaanan nmin at mga masasamang salita na tanggap namin kasi bata pa ng nagsama kami ndi kami tumigil para maging maayos ang buhay mag asawa namin. Bagkus naging matatag kami at mas marami pang natutunan sa buhay upang mapatunayan sa mga taong nang judge sa amin na mali sila maling mali sila dahil ndi hadlang ang pag aasawa ng maaga para makamit mo ang GOALS mo sa buhay bagkus pwede mo itong magamit para mas maging matagumpay ka at maging successful sa buhay.
At kasama namin ang LORD para makamit, ang lahat lahat ng ito sa buhay.
Graduate as student, Mary joy galan
4yrscourse officemanagement, Bachelor degree
Gagraduate na sya sa pagpapaaral sa akin

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pag-nominate ni Fumiya sa kanyang sarili para iligtas si Yamyam

PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pag-nominate ni Fumiya sa kanyang sarili para iligtas si Yamyam

PBB Otso fans, napukaw ang damdamin sa pagligtas ni Fumiya kay Yamyam
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel