Gr. 2 student na may panulat na binalot sa kahoy at goma sa viral post, nabiyayaan ng tulong

Gr. 2 student na may panulat na binalot sa kahoy at goma sa viral post, nabiyayaan ng tulong

- Nag-viral ang larawan na binahagi ni Maricor Baculanta, guro ng batang may ballpen na binalot sa piraso ng kahoy at goma sa post

- Dahil dito, natulungan ang batang mabigyan ng mga school supplies upang maayos na ang panulat nito sa paaralan

- Di lamang si Jan Kim Enario ang matutulungan, may mga nagpapaabot din ng tulong upang maipaayos ang paaralan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Noong nakaraang linggo, marami ang napukaw ang damdamin sa larawan ng batang lalaki na ang panulat ay nakabalot sa piraso ng kahoy at goma.

Ayon sa ABS-CBN news, ang guro ng bata na si Maricor Baculanta ang orihinal na nagbahagi ng post.

Nalaman ng KAMI na kinunan ng larawan ng guro ang batang nakilalang si Jan Kim Enario upang magsilbing inspirasyon na hindi hadlang ang kahirapan at kasalatan sa gamit sa pag-aaral.

Nanghinayang daw pala si Jan Kim sa tinta ng ballpen na matagal na niyang gamit kaya gumawa ito ng paraan upang maayos pa rin niyang mahawakan at magamit panulat. Ito ay una nang nai-balita ng KAMI.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nasa ikalawang baitang na si Jan Kim sa Union Elementary School sa Sta. Rita, Samar.

Bagaman at mahiyain, masigasig naman daw pumasok ang batang ito ayon sa guro.

Dahil sa nag-viral ang post, inulan ng donasyon at tulong si Jan Kim.

Kasama na rito ang mula sa ABS-CBN Sagip Kapamilya at ilan pang mga pribadong indibidwal na nais magpaabot ng tulong gaya ng school supplies.

Di lamang si Jan Kim ang matutulungan, may mga nag-aalok din ng tulong upang maipa-ayos ang kanilang paralan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel