Kuya ng baby na may cancer, kumakanta para makalikom ng pera sa operasyon ng kapatid

Kuya ng baby na may cancer, kumakanta para makalikom ng pera sa operasyon ng kapatid

- Viral ngayon ang video ng batang lalaki na kumakanta upang makahingi ng donasyon para sa kapatid niyang may liver cancer

- Habang karga ng kanyang ina ang baby at ang tatay naman niya ang naghahawak ng tarpaulin tungkol sa kondisyon ng kapatid, tuloy-tuloy ang pagkanta ng batang lalaki para makuha ang atensyon ng mga nagdaraan

- Umaasa ang nagbahagi ng post na matulungan ang pamilyang ito na lahat ay gagawin para maisalba ang buhay ng kanilang baby

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa kwento sa likod ng viral video kung saan kumakanta ang isang batang lalaki para makuha ang atensyon ng mga tao sa isang palengke sa Bohol.

Ayon sa post ng netizen na si Jenny Sumalpong, hinaharana pala ng batang lalaki na ito ang mga nagdaraan para makalikom ng perang pampagammot sa nakababatang kapatid nito na si baby Viancel.

Nalaman ng KAMI na na-diagnose ang sanggol na may liver cancer at tanging operasyon ang paraan upang madugtungan pa ang buhay nito.

Habang karga ng kanilang ina si baby Viancel at hawak naman ng tatay nila ang tarpaulin patungkol sa kondisyon ng baby, tuloy tuloy lamang ang pagharana ng batang lalaki sa mga namimili.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sadyang nakakaluha raw makita ang mag-anak na handang gawin ang lahat para sa ikabubuti ng kalagayan ng sanggol.

Di na sila nagpalamon sa hiya lalo pa at para naman talaga ito sa kanilang baby Viancel.

Hinangaan din ang pamilyang ito sa katatagan ng kanilang kalooban at tila di sila nawawalan pag-asa na matutulungan sila at makakalikom ng sapat na pera upang maituloy ang liver transplant para kay baby Viancel.

Nag-iwan din ng contact number si Jennifer sa mga nais tumulong. Vivian Cenia Manliguez ang pangalan ng ina ng sanggol at maari itong ma-contact sa numerong 09564114750.

Wala nang ibang nasabi pa ang mga netizens kundi ang kahilingan na sana nga ay may mga mabubuting kalooban na tumulong kay baby Viancel.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate bets

Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate bets

Church leaders ask faithful to campaign for their 10 Senate picks
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel