Tatlong beses na kick-out ng high school, matagumpay na businessman na ngayon

Tatlong beses na kick-out ng high school, matagumpay na businessman na ngayon

- May 50 branches na ng Robocash Philippines ang dating kick-out ng high school na si Felipe Zamora III

- Wala man siyang high school diploma, ngunit dahil sa angking abilidad nakapasa ito sa Philippine Educational Placement Test na siyang nakapagdala sa kanya sa Estados Unidos upang doon mag-kolehiyo

- Sa ngayon, isa na siya sa mga matagumpay na negosyante ng bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinong mag-aakala na ang isang tatlong beses na kick-out noong high school ay kalaunang magigingmatagumpay na negosyante.

Ayon sa Esquire, di raw nagkaroon ng high school diploma si Felipe Zamora III dahil sa apat na beses umano siyang bumagsak sa apat na magkakasunod na taon sa iba't-ibang high school sa Maynila.

Nalaman ng KAMI na may angking talino naman si Felipe ngunit sadyang mas ginusto umano nitong "managinip ng gising" habang nagkaklase kung hindi siya nagka-cutting classes para mag-ensayo ng mixed martial arts kasama ang kanyang mga kaibigan.

Tanging sa Mathematics at Literature lamang siya nagka-interes ngunit sa ibang asignatura, wala na siya noong pakialam.

Hanggang sa inengganyo siya ng kanyang ina na kumuha ng Philippine Educational Placement Test kung saan siya naman ay nakapasa.

Ito ang naging daan niya upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng kolehiyo sa Estados Unidos kung saan siya nakapagtapos.

Dalawang taon siyang nasa community college roon bago siya nakalipat sa University of San Francisco.

Ayon kay Felipe, Sa community college niya naramdaman ang mga panahong kanyang sinayang sa pag-aaral sana sa Maynila.

“You go to school with people who have two jobs. You go to school with people with kids and it’s like, wow what a realization... Then you start having an appreciation for the value of money and work that really changes your perception,” pagbabahagi niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngayon, ang 37 taong gulang na Finance graduate ay CEO na ng 50 na branches ng Robocash Philippines sa loob ng isang taon.

Ito ang umuusbong na lending company na maaring makapag-apruba ng pautang sa loob lamang ng 15 minutos ng walang collateral.

Bukod dito, presidente rin siya ng Golden Legacy Finance Corporation (GLFC), isang 27 taong lending company na ang tinutulungang mapahiram ng pera ay mga pensioners.

2009 nang simulan niyang pasuking ang kanilang family business. Mula family-owned firm, nagawa niya itong maging family-run corporation.

Katunayan, mula ₱250 million napalago niya ang kanilang portfolio ng ₱1.6 billion.

2016 nang makilala niya si Segey Sedov ang founder at CEO ng Russian-based payday loan company na Robocash. Nagkataong naghahanap talaga ito ng market sa Southeast Asia.

2017 nang tuluyan nang binuksan ni Felipe kay Segey ang Robocash sa Southeast Asia at ito nga ay dito sa ating bansa.

Dahil sa matinding pagtutok niya sa kompanya, laking gulat niya na mabilis itong lumago.

“The initial plan was to open just two branches a month. It was just we were really convinced we will figure out the market and make tweaks as necessary,” kwento ni Felipe.

Sa loob lamang ng isang taon, ramdam na nila ang return on investment at nakapagbukas na sila ng 50 branches.

Sa taong ito, target nilang magkaroon ng 200 branches pa sa bansa at target nilang pumalo pa ng 1.1 billion ang kanilang sales.

Ganun na lamang ang tiwala niya sa kanyang team na lahat nang ito ay makakamit nila ang target ngayong 2019.

“My team and I set goals for ourselves that will stretch us to our limits. For us, this is as much about our development as a team as it is about the numerical targets we’ve set for ourselves. We’ve had a slow start (in entering the market) but it’s motivated us to push even harder. We’re just competitive that way. If we do not hit the mark completely I’m sure we’ll be pretty close,” pagtatapos ni Felipe.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel