Maroon 5 vocalist, sinabing masyadong "perpekto" ang pagkanta ng Pinoy sa The Voice USA

Maroon 5 vocalist, sinabing masyadong "perpekto" ang pagkanta ng Pinoy sa The Voice USA

- Pinuri ng Maroon 5 vocalist na si Adam Levine ang Pinoy contestant ng The Voice USA na si Jej Vinson

- Sinang-ayunan ng ibang mga hurado ang sinabi ni Levine na tila mas mahusay pa si Jej kaysa sa kanila

- Dahil sa nakakabilib na performnace nito ng kanta ni Drake na "Passionfruit," lahat ng apat na hurado ay napaikot niya ang mga upuan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang namayagpag ang talento ng Pinoy sa Amerika nang mapabilib ni Jej Vinson ang mga nakapanood sa kanya sa blind auditions ng The Voice US.

Ayon sa Yahoo Philippines, maging ang mga hurado na sina Adam Levine ng Maroon 5, Kelly Clarkson, Blake Shelton at John Legend ay namangha sa husay ng pagkakakanta ni Jej ng "Passionfruit" ni Drake.

Nalaman ng KAMI na sa sobrang pagkabilib, nasabi pa ni Adam na "You’re a better singer than all of us!,” habang si Kelly naman ay di napigilang lapitan si Jej at niyakap ito.

Narito ang video na kuha ng KAMI sa youtube.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, naging alanganin naman si John Legend sa piniling kanta ni Jej dahil sa may pagka-monotonous si Drake, ngunit laking gulat niya na mas nabigyang hustisya ni Jej ang kanta dahil sa kakaiba niyang paglalahad nito.

Dahil dito, nakuha niyang paikutin ang apat na silya ng mga hurado.

Sa huli, pinili niyang maging bahagi ng team ni Kelly Clarkson na siyang maghahanda sa kanya para sa Battle Round ng kompetisyon. Makakatunggali niya ang ibang makakasama nya sa team ni Kelly.

Kung papalarin, maari siyang manalo ng US$100,000 o tinatayang nasa PHP5.220 million kung siya ang tatanghaling champion ng The Voice US, 2019.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Paktorya ng mag-inang Intsik na tinatawag umanong 'pataygutom' mga trabahador, ininspeksyon na

Pagawaan ng mag-inang Intsik na tinatawag umanong 'pataygutom' mga empleyado, ininspeksyon na

Paktorya ng mag-inang Intsik na tinatawag umanong 'pataygutom' mga trabahador, ininspeksyon na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel