Inang nakunan ng 16 beses, nabigyan ng miracle baby ngunit nasawi rin sa sakit

Inang nakunan ng 16 beses, nabigyan ng miracle baby ngunit nasawi rin sa sakit

-16 na beses nang nakunan ang ginang na ito pero isang miracle baby ang ipinagkaloob sa kanila

-Ngunit hindi rin nagtagal dahil ang kanyang nag-iisang anak, nasawi rin dahil sa sakit

-Sa kasalukuyan, tumutulong ang babae sa ibang mga magulang para maiwasan ang sakit na kumuha sa kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakapanlulumo ang sinapit ng ginang na si Lizzie Allen matapos itong makunan ng 16 na beses sa loob ng anim na taon.

Ngunit, isang milagro ang naganap sa kanya nang isilang niya ang kanyang miracle baby na si Fleur-Rose Allen.

Isinilang si Fleur na dalawa at kalahating buwan na pre-mature, ganunpaman ay lumaban ang bata.

Labis na ligaya ang naging hatid nito kay Lizzie at sa kanilang pamilya.

“Time after time, I experienced heartbreak. Then, finally, she was there. My pregnancy wasn’t easy. They feared she was disabled because the scan indicated fluid round her neck.” anito.

“She arrived early and weighed just 4lbs, but she was a miracle. Walking out of the hospital with her in my arms, I was finally a mother.” dagdag nito.

Pero hindi rin ito nagtagal dahil agad rin pala itong babawiin mula sa kanila.

Ayon sa report ng The Asianparent, nagkaroon ng mataas na lagnat si Fleur. Agad naman umano itong pina-inom ni Lizzie ng Calpol.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit nang hindi bumaba ang lagnat ng bata ay isinugod na nila ito sa ospital.

Bagamat bahagyang umayos ang lagay ng bata, hindi pa rin umano nawala ang katamlayan nito. Hirap pa rin itong kumain.

“At lunchtime she was cheerful, but actually she was being killed from the inside out.” kwento ni Lizzie.

Napansin na lamang nito na mayroong rashes sa kanyang leeg si baby Fleur na agad niyang ipinaalam sa mga doktor.

Isa ito sa mga senyales ng meningitis. Pina-inom daw ang bata ng antibiotic.

Ngunit nasawi rin ito pagkalipas lamang ng limang oras nang makaranas ito ng apat na cardiac arrests.

Sa kasalukuyan, aktibong tumutulong si Lizzie upang wala nang magulang na dumanas sa mga naranasan niya sa pagkawala ng anak.

Nais niyang ipalaganap na magkaroon ng kaalaman ang bawat magulang sa mga senyales ng meningitis.

Inang nakunan ng 16 beses, nabigyan ng miracle baby ngunit nasawi rin sa sakit

Photo source: The Asianparent
Source: Facebook

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng nasa ₱52 million

Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng $1 million

Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng nasa ₱52 million
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel