Dalagitang di makakapunta sa JS prom, isinayaw na ng kanyang mga manliligaw

Dalagitang di makakapunta sa JS prom, isinayaw na ng kanyang mga manliligaw

- Viral ngayon ang video ng dalagitang di makakapunta sa kanilang JS prom dahil mag-aalaga umano ito ng amang may sakit

- Naisipan na ng kanyang mga kaklase na isayaw siya isang araw bago ang kanilang prom

- Naging usap-usapan ang video dahil na rin sa dalagitang di iiwan ang may sakit na ama kahit pa sa isang mahalagang bahagi ng kanyang buhay estudyante

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang video ng isang dalagita na isinayaw na ng kanyang mga kaklaseng lalaki isang araw bago ang kanilang prom.

Ayon sa Pilipino Star Ngayon, di raw makakapunta ang dalagita sa kanilang prom dahil sa mag-aalaga ito ng ama niyang may sakit.

Orihinal na binahagi ang video na ito ng netizen na si Norman Navarro kung saan isa-isang sinayaw ang dalagita ng kanya rin palang mga manliligaw.

Hinangaan din ang batang ito dahil di niya pinagpalit ang may sakit na ama sa isang di malilimutan sanang gabi ng kanyang buhay 'High School.'

"mgandang ugali yn bsta mag aral ng maayos"
"Tama yan, mas mahalaga na maalagaan mo ang tatay mo sa oras na kailangan ka niya"
"At least maranasan mong maisayaw kahit wala ka sa prom"
"Gusto kung sabihin na mag aral muna kau pero ang ginawa ng lalaking to saydang makatao at naka pag bigay ng kaligayahan sa babae. Good job!"
"Unforgetablle experience! Ok na yan... importante maalagaan mo ang tatay mo"

Samantala, di rin naman nakawala sa mga batikos ng ilang netizens ang kabataang ito dahil sa caption na nagsasabing ang mga sumayaw sa kanya ay kanyang mga manliligaw.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kahit pa malinaw naman sa caption na di nga makadadalo ang dalagita sa prom dahil sa ama, ang iba ay nagawa pa rin "pangaralan" ang estudyante.

Narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon:

"wala na talaga mga kabataan ngaun imbis pag aaral muna unahin at pg sikapan dahil sa hirap ng buhay ngaun pg aaral nlang ang pag asa ng lahat na mkpagtapos dhil ang libog di mkkpagahon sa kahirapan maawa kau sa mga magulang nyo tudo kayod mapagaral lng kau upang mging maganda buhay nyo"
"Grabe naman estudyante I to..nag aaral pa alembong na.imbes mag sikap sa pag aaral para maka graduate pag lalandi inatupag.wawa naman tatay mo may sakit.akala nya bait mo student yun pala landi mo na"
"Hay naku! Aral muna..."
"Aral muna nene bago lumandi....."
"ibalik ang animé sa hapon. puro ganito alam ng mga bata ngayon"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel