Abogadang tinuring na ama ang taho vendor sa UP, wala palang nakagisnang ama

Abogadang tinuring na ama ang taho vendor sa UP, wala palang nakagisnang ama

- Nag-viral ang post ni Atty. Alex Castro ang naiiba nilang relasyon ng kanyang tatay Dom na nagtitinda ng taho sa Up Diliman

- Binahagi ng abogada ang lalim ng kwento kung bakit tatay na ang turing niya sa taho vendor

- Sa sandaling iyon na pananatili ni Atty. Castro sa unibersidad, naranasan niya ang pag-aaruga ng isang ama sa katauhan ni tatay Dom

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Noong nakaraang linggo, nag-viral ang nakakaantig na post ni Atty. Alex Castro tungkol sa kanyang tatay Dom na isang taho vendor sa UP Diliman.

Una itong naibalita sa KAMI at marami talagang mga netizens ang napaluha sa simpleng larawan ng dalawa na may napakalalim pa lang kahulugan para sa abogada.

Sa ASAP natin 'to nitong Linggo, Marso 3, tampok ang kwento nina tatay Dom at Atty. Alex.

Doon mas nailahad ni Alex kung bakit ganun na lamang ang kanyang kasiyahan nang makilala niya si tatay Dom na ama na ang turing niya.

Isang buwang gulang na sanggol pa lamang si Alex nang iwan na sila ng kanyang tunay na ama. Kaya naman kung tutuusin, di niya talaga naranasan ang magkaroon ng isang tatay.

Hanggang siya ay tumuntong ng unang taon sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan niya nakilala si tatay Dom na nagtitinda ng taho.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Halos araw-araw niya itong binibilhan dahil sa wala na siyang oras makapag-almusal.

Dumating pa ang punto na bigla na lamang umulan at walang dalang payong si Alex. Di nagdalawang isip ang kanyang tatay Dom na ibigay na lamang ang jacket niya kay Alex.

Sa mga ganitong pagkakataon naramdaman ni Alex ang pagmamahal ng isang ama na di niya inakalang mararanasan sa sita ng kanyang buhay.

"Nag-make sense sa akin na ganito pala 'yong pakiramdam ng isang ama," pagbabahagi ni Atty. Alex.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
7 lovely celebs who stunned everyone at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 lovely celebs who stunned everyone at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 lovely celebs who stunned everyone at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel