Pinay OFW na tinanggal sa trabaho dahil sa kanyang cancer, inulan ng tulong

Pinay OFW na tinanggal sa trabaho dahil sa kanyang cancer, inulan ng tulong

- Kaawa-awang tinanggal sa trabaho ang Pinay OFW na si Baby Jane Allas matapos malaman ng kanyang employer na mayroon siyang cervical cancer

- Noon pa mang nagtatrabaho si Baby Jane, di na siya binibigyan ng oras na magpakonsulta sa doktor

- Sa kabila ng matinding pagsubok na ito sa kanya, inulan naman siya ng tulong mula pa iba't-ibang dako ng mundo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masaklap ang sinapit ng Pinay OFW na si Baby Jane Allas dahil bukod sa nalaman niyang mayroon siyang cervical cancer, tinanggal pa siya sa trabaho ng kanyang amo dahil na rin sa kanyang karamdaman.

Ayon sa Yahoo Philippines, ang amo ng kapatid ni Baby Jane na nakilalang si Jessica Cutrera Papadopoulos ang gumawa ng GoGetFunding page upang makalikom ng tulong para sa Pinay.

Dito binahagi ni Jessica ang sinapit ng Pinay OFW na di manlang daw binigyan ng oras ng kanyang amo para makapagpatingin sa doktor manlang sa doktor.

Isa't kalahating buwan matapos malaman na may cancer ang Pinay, pinadalhan agad siya ng termination letter.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang di pumirma si Baby Jane sa termination letter, kinumpiska ng kanyang amo ang kanyang kontrata, medical receipts at referral sa Tuen Mun Hospital.

Dahil sa pagkumpiskang ito, na-delay ang dapat na MRI niya ng isang linggo para sana makapagsimula na ito ng chemotherapy at radiation treatment.

Ang mahirap kasi sa kalagayan ni Baby Jane habang nade-delay ang gamutan, mas lalong nagiging mahal ito.

Stage III na kasi ang cancer niya na may 56% na lamang na survival rate.

Samantala, nagsampa na ng reklamo sa Labour Department ang kampo ng OFW dahil sa biglaang pagtanggal sa kanya ng trabaho at sa Equal Opportunities Commission dahil sa diskriminasyon na kanyang sinapit dahil lamang sa pagkakaroon niya ng karamdaman.

Depensa naman ng employer ni Baby Jane, hinain ang termination kung kailan matatapos na ang kanyang filed sick leave.

Sinama rin sa sinampang reklamo sa employer ang pagkakait kay Baby Jane na isang araw manlang isang linggo na day-off hanggang sa dumating pa sa puntong isang pirasong tinapay na lamang ang kanyang kinakain.

Sa ngayon, nasa pudar na ni Jessica si Baby Jane. Nakalikom na rin sila ng HK$243,000 o tinatayang nasa 1.6 million online. Di pa kasama rito ang mga karadagang tulong na umabot na rin sa 23,500 Hong Kong dollars o manumbas ₱157,000.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Ronnie Alonte spotted hanging out with Vice Ganda amid Loisa Andalio's alleged video scandal

Ronnie Alonte spotted hanging out with Vice Ganda amid Loisa Andalio's alleged scandal

Ronnie Alonte spotted hanging out with Vice Ganda amid Loisa Andalio's alleged scandal
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel