Mag-ama sa viral post tungkol sa usapan nila sa jeep, dinagsa ng tulong

Mag-ama sa viral post tungkol sa usapan nila sa jeep, dinagsa ng tulong

- Nag-viral ang larawan na binahagi ng netizen na si Geli Fernandez Lagrimas kung saan makikita ang isang amang "takatak boy" o nagtitinda ng yosi at kendi sa daan, na ihahatid ang anak niya sa paaralan

- Nakakaantig ang kanilang naging usapan sa loob ng jeep, kaya di nagdalawang isip si Geli na ibahagi ito

- Dahil nag-viral ang post, marami ang nagparating ng tulong sa pamilya ng mag-ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang natunaw ang damdamin sa viral post ni Geli Fernandez Lagrimas tungkol sa mag-amang nakasakay sa jeep.

Napukaw ang atensyon ni Geli ng mag-amang ito dahil sa nakakatuwa nilang pag-uusap. Ramdam kasi ng netizen ang pagmamahal ng mag-ama sa isa't-isa lalo na nang sabihin ng ama na ihahatid niya ang anak sa paaralan dahil sa marami na raw ngayon ang nagunguha ng bata.

Ang nakakataba pa nang puso ay nang sabihin pa umano ng bata na tutulungan niya ang kanyang ama sa pagtitinda pagkatapos ng kanyang klase.

Dahil sa usapang ito na binahagi ni Geli, marami ang natuwang netizen at nagpahatid ng tulong sa pamilya ng mag-ama.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa hiwalay na post nni Geli, makikita ang video kung saan hinanap talaga niya ang tirahan ng mag-ama.

Doon nakita niya ang kalagayan ng pamilya nito. Bukod sa batang kasama ng ama, may apat pa pala itong mga anak.

Nanghikayat pa umano ang netizen sa mga nais pang tumulong ay buong puso niya itong ipararating sa pamilya ng mag-ama.

Samantala, humanga naman ang mga netizens sa naisip gawin ni Geli lalo pa at isang pamilya ang natutulungan niya dahil lamang sa viral post.

Narito ang kanilang mga komento:

"The purpose of life is not to be happy. It is to be useful, to be honorable, to be compassionate, to have it make some difference that you have lived and lived well, No one has ever become poor by giving"
"A good Samaritan of today! Keep it up Geli!"
" Bait naman dyan lang pala nakatira yan si kuya kaya pala pag ppnta ako ng pwesto namen sa kadiwa sa bagsakan e parang nakikita kosya sa ibaba sa may bdo nagbebenta sigarilyo dlang masyado pamilyar, sana mas madame kapang matulungan baet mo ganda pa hehe"
"Nice . Ndi mapapantayan ng pera ang pagtulong sa tao..."
"Thankyou so much sa effort dear. Til’ nxtime. Godbless your heart"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kasama si mommy Pauleen Luna

Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kasama si mommy Pauleen Luna

Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kahit stressed siya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel