Newly weds, na-in love sa kanilang bridesmaid na binahay na rin nila

Newly weds, na-in love sa kanilang bridesmaid na binahay na rin nila

- Sandaling panahon matapos ang kanilang kasal, sinama na ng groom at bride at kanilang bridemaid tinitirahang bahay

- Nakilala ng bride na si Karalyn ang bridesmaid na si Lana online, ilang buwan bago ang kanyang kasal sa kanya namang childhood sweetheart

- Kinagulat ito ng mga magulang lalo na ng ina Karalyn ngunit nang makita nito kung gaano kasaya ang anak, tinanggap na rin niya ito kalaunan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila nauuso na sa United States ang kakaibang relasyon na kung tawagin ay polyamorous kung saan ang mag-asawa ay may kinakasama pang isa pang "babae o lalaki" sa kanilang relasyon.

Tulad na lamang ng sitwasyon nina Karalyn Henry at ang kanyang asawa na naging kasama sa kanilang relasyon ang bridesmaid ng kasal nila na si Lana.

Ilang buwan bago ang kasal nina Karalyn at Justin, nakilala ng bride si Lana online. Mula noon naging bukambibig na niya ito kay Justin.

Unang beses pa lamang na nakita ni Karalyn si Lana sa personal noong mismong kasal nila.

Buong pag-amin pa ni Karalyn na mula noong kanilang kasal, nahulog na rin ang loob ng kanyang mister kay Lana.

Doon pa lamang, naisip niyang di na siya mahihirapan sa nais niyang mangyari.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mula noon, tumira na si Lana malapit sa tirahan nina Karalyn at Justin. Ngunit pag may pagkakataon, pumupunta at "tumitira" rin ito kasama nina Justin at Karalyn.

Ang nakakaloka? palitan pa sila kung sino ang magiging "gitna" pagtulog sa kama.

"Seeing both of my partners together, holding hands, cuddling - it's adorable, and I'm just so happy to see them so happy!" pagbabahagi pa ni Karalyn.

Syempre, di maaalis ang paghusga sa kanilang relasyon. Marami ang nagsasabing tila niloloko nila ang kanilang mga sarili.

Maging ang mga magulang nila ay hirap ding unawain ang pinasok nilang sitwasyon, lalo na ang ina ni Karalyn.

Ngunit nang makita at malaman kung gaano kasaya ang anak sa kanyang relasyon, tinanggap na niya ito kalaunan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking may sakit sa puso, umakyat pa rin ng entablado para sa kanyang pagtatapos

Lalaking may sakit sa puso, umakyat pa rin ng entablado para sa kanyang pagtatapos

Lalaking may sakit sa puso, umakyat pa rin ng entablado para sa kanyang pagtatapos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel