3 suspek hinuli matapos tangkaing dukutin umano ang 2 bata

3 suspek hinuli matapos tangkaing dukutin umano ang 2 bata

-Timbog ang tatlong lalaki sa Camarines Sur matapos ireklamo ang mga ito ng tangkang pagdukot sa dalawang bata

-Ayon sa isang biktima, hinawakan raw siya at itinulak papasok sa dalang sasakyan ng mga ito

-May isang saksi na nakakita sa nangyari at siyang naging daan upang mahuli ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pauwi na raw sana ang dalawang menor de edad mula sa paggawa ng kanilang proyekto sa eskwelahan nang harangin umano sila ng tatlong kalalakihan sa Camarines Sur.

Kwento ng isang biktima, bandang 6:00 ng gabi nang bigla na lang silang harangin ng isang pick-up truck sa Barangay Santo Niño.

Sabi pa ng 16-anyos, hinawakan siya sa braso at itinulak umano papasok sa sasakyan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit, tinadyakan niya umano ito hanggang sa makatakas at makahingi ng tulong.

Samantala, ayon naman sa ulat ni Rizza Mostar ng ABS-CBN News, isang saksi ang nakakita sa mga bata at sinundan ang sasakyan ng mga suspek.

Pagkatapos ay humingi na umano ito ng tulong sa barangay.

Sabi naman ni Police Staff Sergeant Eleno Calongui Jr., tagapagsalita ng Pili police, naharang nila ang mga suspek sa karatig-bayan.

Itinanggi ng mga ito ang akusasyon sa kanila at sinabing nag-nature trip lang sila sa lugar.

Mahaharap sa kaso ang mga ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Rescuer sa guho sa Porac, takbuhan matapos yanigin muli ng lindol ang lugar

Actual video sa guho sa Porac nang yanigin muli ng lindol; rescuer, takbuhan

Actual video sa guho sa Porac nang yanigin muli ng lindol; rescuer, takbuhan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel