11-anyos, inaresto matapos abusuhin ang 1-anyos na bata na ikinasawi nito

11-anyos, inaresto matapos abusuhin ang 1-anyos na bata na ikinasawi nito

-Isang 1-taong-gulang na bata ang ang nasawi sa mga kamay ng isang 11-anyos na batang babae

-Ayon sa ulat, labis na bugbog ang ikinasawi ng biktima

-Inaresto naman ang batang babae at ngayon ay nasa pangangalaga na ng juvenile facility

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inaresto ang isang 11-taong-gulang na batang babae matapos itong akusahan ng pananakit sa isang 1-taong gulang na bata sa Maryland, na ikinasawi nito.

Ayon sa ulat ng CNN PH, labis ang mga tinamong bugbog, partikular na sa taas na bahagi ng katawan ng bata na si Paxton Davis.

Naiwan umano ito sa pangangalaga ng 11-anyos dahil sandaling umalis ang nanay ng suspek para may asikasuhin sandali.

Napag-alaman ng KAMI na pinapayagan lamang na mag-alaga ng kapwa bata ang mga nasa edad 13 pataas na sa Maryland.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nitong Huwebes pumanaw ang bata, apat na araw pagkatapos nitong isugod sa ospital.

"When hospital staff took a look at our 1-year-old victim, they immediately called child abuse detectives due to the severity of his injuries," ito ang pahayag ni Prince George's County Police Maj. Brian Reilly.

Agad daw nilang napansin na ang mga tinamo ng bata ay hindi normal na nakukuha lamang sa paglalaro.

Samantala, hindi pa masabi kung sasampahan ng kaso ang ina ng 11-anyos.

Sinabi rin sa ulat na hindi magka-mag-anak ang pamliya ng biktima at suspek ngunit mag-kakaibigan ang mga ito.

dati na rin umanong naiiwan ang biktima sa mga ito.

Hindi na rin nagbigay pa ng karagdagang impormasyon ang mga awtoridad kaugnay sa mga detalye ng mga injuries ng biktima.

Maging kung may ginamit bang armas ang bata para masaktan ang 1-taong gulang na nasa pangangalaga nito.

Nasa pangangalaga na ng isang juvenile facility ang 11-anyos na suspek.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil sa shopping cart, isang baby ang nagkaroon ng meningitis

Dahil sa shopping cart, isang baby ang nagkaroon ng meningitis

10-buwang-gulang na sanggol, nagkaroon ng meningitis mula sa 1 shopping cart
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel