94 anyos na lola, masayang nagtatrabaho pa rin sa loob ng 6 na araw sa isang linggo

94 anyos na lola, masayang nagtatrabaho pa rin sa loob ng 6 na araw sa isang linggo

- Nakamamangha ang kasipagan ng "super lola" na si Wynnifred Franklin na sa kabila ng edad niyang 94, masaya pa rin itong nagtatrabaho sa isang bakery

- Anim na araw sa isang linggo pa raw itong nagtatrabaho na siyang sikreto ng kanyang kalakasan

- 1993 pa raw nang magretiro si Wynn ngunit dala ng pagka-inip, naisipan niyang bumalik muli sa pagtatrabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Habang ang ilang lola na tulad niya ay napipirmi na lamang sa kanilang bahay, ang 94 anyos na lola na si Wynnifred Franklin ay maliksi pa ring nagtatrabaho sa bakery ng isang supermarket.

Binahagi ng Facebook page na WDBJ7 ang nakamamanghang kasipagan ng lola na ayaw paring tumigil sa paghahanapbuhay.

1993 pa raw nang magretiro si Wynn, ngunit makalipas ang tatlong taon, ninais niyang bumalik muli sa trabaho dala ng kanyang pagkainip.

Mula noon, anim na araw sa isang linggo na siya kung magtrabaho sa bakery sa isang supermarket.

Magsisimula ang araw niya ng alas sais ng umaga at masigasig na siyang kikilos sa trabaho maghapon.

Pakiramdam niya, nakakabata ang kanyang pagtatrabaho. Gaya na lamang ng komento ng kanyang doktor nang minsan siyang bumisit dito. Para raw sa kanya, di raw 94 anyos ang pumasok ng kanyang clinic.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mahal ni Wynn ang kanyang trabaho. Natutuwa rin siya sa pagbi-bake niya maghapon dahil di niya namamalayan ang oras.

Binigyang linaw din niya na siya ay nagtatrabaho di dahil sa kailangan pa niya, ngunit dahil gusto pa niya.

Sana nga rin daw ang ibang tulad niya ay maisip pa rin itong gawin. Wala naman daw masamang mamahinga na dala ng edad ngunit mainam din na lumabas, mag-volunteer kahit 2 hanggang 3 araw sa isang linggo at tiyak na mababago raw ang kanilang buhay.

Mabuting katrabaho at ulirang "great-grandmother" si Wynn. Patunay lamang na ang pagiging masipag ay walang pinipiling edad.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Vice Ganda’s new photos as groomsman go viral on social media

Vice Ganda’s new photos as groomsman go viral on social media

Vice Ganda’s new photos as groomsman immediately go viral on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel