Ai-Ai delas Alas at Ina Raymundo, nag-tie bilang 'Best Actress' sa Portuguese film festival

Ai-Ai delas Alas at Ina Raymundo, nag-tie bilang 'Best Actress' sa Portuguese film festival

- Ai-Ai delas Alas at Ina Raymundo, sinungkit pareho ang best actress award sa isang prestihiyosong awarding ceremony sa Portugal

- Nagningning ang mga bituin ng dalawang aktres sa Fantasporto para sa ika-39th ng pamimigay ng parangal nito

- Parehong hinirang silang dalawa bilang magagaling na mga aktres sa Portuguese film festival

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa balita na nalaman ng KAMI nanalo sina Ai-Ai delas Alas at Ina Raymundo sa naganap na 39th Fantasporto International Film Festival sa Portugal.

Ayon pa sa push.com.ph, nag-tie sina Ai-Ai at Ina para sa 'Best Actress' award ng naturang Portuguese film festival.

Ibinahagi naman ng Kapuso star, Ai-Ai delas Alas, ang magandang balita sa kanyang Instagram account na may mahabang caption ng pagsasalamat para sa malaking pagkilala nito.

Tinapos ng Comedy Queen ang kanyang mahabang caption ng:

"To God be the glory...Amen"

Ni-repost naman ni Ina Raymundo ang post ni Ogie Alcasid, ang kanyang kasamahan sa pelikulang Kuya Wes, kung saan napansin ang kanyang best acting skills sa naturang film festival.

Kinongratulate naman ni Ina ang iba pang mga Pinoy na nagwagi at nagpasalamat din sa panginoon.

"Congrats to all the Filipino winners! I didn’t expect this at all. Thank you Lord."

Si Ai-Ai delas Alas ay nanalo para sa pelikula niya na pinamagatang 'School Service' habang si Ina Raymundo naman ay para sa pelikulang 'Kuya Wes.'

Nanalo rin sina Dante Rivera bilang best actor at si Direk Louie Ignacio naman ay nanalo ng orient express jury award, at si Carlo Catu ay nanalo rin ng special jury prize.

POPULAR: Read more news about Ai-Ai delas Alas here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask Filipinos on ‘How To Get Over Your Ex.’

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Karla Estrada reveals how Daniel Padilla reacted to her going out on a date

Karla Estrada reveals how Daniel Padilla reacted to her going out on a date

Karla Estrada shares Daniel Padilla's reaction to her going out on a date
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel